Chapter Ten

22 2 0
                                    

Nagpaalam na kami kay Nanay bago bumalik sa loob

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagpaalam na kami kay Nanay bago bumalik sa loob. Nakita namin si Naurumi, Sanella at Ria, Kowen at Gavin sa entrance. Nnalaki ang kanilang mga mata nang makita kami. Agad silang nagpanggap na may ginagawa sakanilang mag telepono. Tumawa ako. 

"Anong ginagawa niyo dito?"

"Wala no! Nagkita lang kami dito!" depensang sabi ni Gavin. 

"Tama! Galing kami tatlo sa guidance office!" si Ria.

"Anong ginagawa niyo sa guidance?"

"Uh... basta! 'Di mo na kailangan yun malaman!" si Sanella.

"Kayo, anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Ral sa mga kaibigan niya. "Ano galing din kayong guidance? 

"Hindi no! Galing kami... sa labas! Pagpasok namin sakto naman pag labas nila sa guidance!" si Kowen. 

Nagkatinginan kami ni Gavin at sabay tumawa. Sumabay naman sila sa 'min. Umiling ako. Nagpaalam na kami kina Ral bago bumalik sa silid. 

"Sabado bukas. Wala ba kayong gagawin? biglang tanong ni Narumi. 

"Wala naman." sagot ko.   

"Ikaw, Sanella?"

"Wala rin."

"Ako rin! Walang akong gagawin bukas. Bakit?" si Ria. 

"Nice! Gala tayo!"

"Saan naman?"

"Milktea tayo sa Pan De Pugon!"

I nodded enthusiastically. "Yes! Ang sarap nga ng mga pagkain nila dun!"

"Okay, 1 PM tayo magkikita doon ah! Ang late manlilibre!"

We all giggled, excited for tomorrow. Pag dating namin sa silid nagliligpit na ng kanilang mga gamit ang aming mga kaklase. Aniya hindi raw papasok ang last subject namin kaya umuwi na rin kami. Kinabukasan wala pang ala una nandoon na ako sa Pan De Pugon. I sent a message on our group chat saying I'm already here. 

Narumi: Nandyan ka na?! Naku sorry, Irene hindi ako makakapunta!

Ria: Ako rin! May biglaan kaming lakad nila Mama

Sanella: Sumakit tiyan ko kaya di ako makakalabas

Irene: Ano ba kayo! Napagusapan na natin 'to kahapon!

Ria: Sorry talaga :((

Irene: Ba't hindi niyo sinabi ng mas maaga para hindi nalang ako pumunta dito?!

Narumi: Malay ko ba na maaga kang pupunta dyan!

Irene: Ugh! Kainis kayo!

Inflamed Feelings (Amor Joven Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon