It has been a week. I have been in my bed since then. Tuwing binibisita ako ng pamilya at mga kaibigan ko ngumingiti lamang ako. Ayoko silang magalala.
I was staring at my window, the clouds seem like it's going to cry anytime soon when my phone rang.
Ria calling...
Kinuha ko ito galing sa aking bedside table at sinagot.
"Ria! Wa'g mo na sabihin!" dinig ko ang boses ni Narumi.
"Oo nga! Baka masaktan siya lalo," ani Sam.
"Irene deserves to know. Ayan, sumagot na! Hello, Irene?"
"Ria, bakit? Anong meron?" tanong ko sa isang matamlay na tono.
"See?! Even her voice sounded sad! Wa'g mo na sabihin!" si Sanella.
"Sabihin ang alin?"
They all fell quiet until Ria spoke.
"Ngayon ang alis ni Ral..."
Nanlaki ang aking mga mata. "Anong oras ang flight niya?"
"4 PM," sagot niya.
I looked at the clock and it's still 3 in the afternoon. Mabilis kong binaba ang tawag at nag bihis. Laking gulat ni Tita Issa nanag makita akong lumabas.
"Irene! Saan ka pupunta?!"
Hindi ko na siya sinagot dahil sa pagmamadali. Sumakay ako ng multicab patungo sa Bancasi Airport. Tumawag ulit si Ria kaya sinagot ko ito.
"Irene! Don't tell me you're on your way to the airport right now!" sigaw ni Narumi sa kabilang linya.
"I have to see him for the last time."
"Goodness! Hindi ka pa ba pagod masaktan?!"
"Pagod na. Pero kailangan ko siya makita kasi baka ito na ang huling beses na makikita ko siya." With that I ended the call.
Pag dating ko sa airport mabilis akong tumakbo. Huminto ako nang makita siya sa waiting area. I suddenly felt nervous. I want to run to him and hug him tightly but my feet say otherwise. I was frozen on my spot.
Yinakap si Tita Mel at Tito Herson. Kowen and Gavin then came to him with their suitcase behind. Naglakad na sila papasok. Pinakita ni Kowen at Gavin ang kanilang passport sa guard ngunit si Ral nag dalawang isip. He looked up and gazed at his surrounding. He stopped when our eyes met. Agad ako tumalikod at naglakad paalis.
"Irene!"
That moment I wished it was Ral who called me. I crossed my fingers. Sana si Ral... But I was a bit disappointed when I saw my friends. They looked like they ran a 10-meter marathon.
"Nakita mo ba si Ral?" tanong ni Ria.
Umiling ako at ngumiti. Bumuntonghininga sila. I chuckled.
BINABASA MO ANG
Inflamed Feelings (Amor Joven Series #3)
RomanceHe left to pursue his dream. She tried to stop him but ended up letting him go. The raw familiar feeling she felt when she heard his voice over the phone. That's when inflamed feelings started to rise again.