Chapter Twenty-Two

25 1 0
                                    

Note: I am not a professional

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Note: I am not a professional. If any of the terms that I used are wrong please correct me. Thank you and happy reading havens! ❤️

Because we didn't get any lawyer, PAO gave us one. I dropped out of college because I need to focus on my parents' case.

"Nababaliw ka ba?! Bakit ka nag dropout?! Sayang ang taon, Irene!" galit na sigaw ni Mama nang sinabihan ko siya.

"Ma! 'Di ako matatahimik hanggat nandito kayo!"

"Mas mahalaga ba 'to kesa sa pagaaral mo?!"

"Oo! Mas importante ka sa 'kin, Ma! Hangga't nandyan kayo ni Tito Dante, hindi ako babalik sa pagaaral."

"Paano kung makukulong talaga kami?! 'Di ka na babalik sa pagaaral?!"

"Ate, wa'g kang mag salita ng ganyan. Hindi kayo makukulong!" ani Tita Issa.

"Hindi ako babalik sa pagaaral hangga't nandyan kayo," sabi ko sabay lakad paalis. Tinawag ako ni Mama ngunit hindi ko siya pinansin. 

I closed my eyes. It's already 1 in the morning yet I still couldn't sleep. Bukas gaganapin ang first hearing. Sumapit nalang ang araw, ni isang oras 'di ako nakatulog. I got up from my bed and started preparing. 

Papasok na kami ni Tita Issa sa Hall of Justice nang makita ko si Grace. Napahinto ako sa paglalakad. May kasama siyang lalake, asawa niya ata.

"Irene, anong problema?" tanong ni Tita Issa. Nang mag angat siya ng tingin nandilim ang kanyang paningin.

"Oh, hello there! Ready na ba kayong makitang makulong si Inna at Dante?"

Sumugod ako sa kanya. Grace and her husband's eyes widened. Fear was evident on her face. I smirked and gently wiped off the dirt on her white polo.  

"May dumi kasi sa polo mo. Sayang naman ang outfit mo kung ganoon."

Agad ako lumayo, may ngising tagumpay sa aking labi. Grace still looked shocked and scared.

"Oh, ba't mukha kang takot? Takot ka sa isang 19 year-old o baka takot ka dahil kakampi namin ang katotohanan?"

They both laughed without humor. My brows furrowed.

"Ba't kami matatakot eh ang dali lang naman baguhin ng katotohanan..."

With that, she walked away and headed to the court. Her husband spoke.

"Kapag may pera ka, nakokontrol mo ang lahat ng bagay. Nakokontrol mo ang mga tao sa paligid mo. You have no power here so if I were you, give up..."

I balled my fists. Just fucking wait and see. I will make you two end up behind bars.

"Huwag mo na sila pansinin, nasa atin ang katotohanan," ani Tita Issa. 

Tumango ako at huminga ng malalim bago naglakad patungo sa korte. Bumungad sa akin ang malaking ngisi ng mag asawa. Inirapan ko lamang sila bago umupo. I looked at my parents who are quietly sitting beside their lawyer. 

Inflamed Feelings (Amor Joven Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon