Chapter Fourteen

21 2 0
                                    

It was the start of a new school year

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

It was the start of a new school year. Grade 9 na ako at grade 11 si Ral. We both confessed our feelings for each other and he is now courting me. Palagi naman akong tinutukso ng aking mga kaibigan.

"Kailan mo sasagutin si Ral?" tanong ni Ria.

I chuckled and shrugged. 

"Hay, sana all may manliligaw! Magsama nga kayo ni Sanella!" si Narumi.

Nagsitawanan kami dalawa habang sila ay umirap. Nang nag hapon at natapos na ang klase paglabas ko nakita ko na si Ral, naghihintay. 

"Hi!"

"Kain muna tayo bago umuwi. I'm starving!"

Tumango ako. "Ano gusto mo kainin?"

"Burger! 'Tsaka, sundae at fries rin!"

"Eh, ang layo ng Mcdo!" reklamo ko.

"Ede sumakay tayo!"

Umiling ako. "Wa'g na. Sayang pera. Malalakad lang naman."

Tumawa si Ral at naglakad na kami patungo sa Mcdo. On the way, Ral ranted about how annoying Gavin and Kowen is. 

"Alam mo ba, kanina nawawala ang cellphone ko. Akala ko talaga nawala! Nasa kay Gavin lang pala! Thinking about it is already making me annoyed!"

 I chortled. Sinamaan niya ako ng tingin. 

"Grabe! Ang sama mo! I was really nervous that time!"

"Sorry! Nakakatawa kasi ang itsura mo!"

Bumilis siya sa paglalakad. Tumawa ako. 

"Hoy! Teka lang! Ral!"

I was laughing heartily while catching up to him. Napahinto siya sa paglalakad kaya nabunggo ako sa likuran niya. I held my forehead.

"Aray! Ral naman! Ba't ka huminto?!"

Ral held out his hand. Napakunot ang aking noo. May tumulong tubig sa palad niya. Doon ko rin naramdaman na umuulan.

"Umuulan! Wala pa naman akong payong!" aniya.

Tinignan ko ang aming paligid. Nang makakita ako ng tindahan sa malapit ay hinawakan ko ang kamay niya at sumilong kami doon. We waited for 30 minutes but the rain isn't stopping. I heard Ral's stomach grumble. Tinignan ko siya at tumawa. He pouted. 

"Gutom na ako eh!"

Lumapit ako sa ginang na nagtitinda.

"Manang, wala ho ba kayong payong dyan? Kahit hindi paninda. Pahiram naman po. Promise, ibabalik ko!"

Umiling siya. "Naku! Pasenya na, dinala kasi ng mga anak."

"Sige, salamat po," magalang kong sabi bago bumalik sa tabi ni Ral.

Inflamed Feelings (Amor Joven Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon