Chapter Thirty-One

29 2 0
                                    

Pag uwi namin sa Butuan dumeretso kami sa bahay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pag uwi namin sa Butuan dumeretso kami sa bahay. Sinabi ko kay Tita Issa at Tito Francis ang reopening ng kaso at sa bago kong nalaman. They were so happy.

"Nagkabalikan na kayo ni Ral no?" bulong ni Tita Issa habang naglalagay ako ng mga plato sa lamesa. Tinawanan ko siya.

"Tita, ba't mo pala sinabihan si Ral noon tungkul sa kaso nila Mama?"

Ngumiti siya. "Gusto ko lang sabihin sa kanya ano nangyayari sa buhay mo."

"Pero Tita, hindi na kami noon..."

"Kahit na. I think he deserved to know. After all, you two have been through a lot."

I shook my head and just smiled. Tinawag ko na sila para kumain. Pagkatapos ay pinuntahan namin si Mama at Tito Dante. It made my heartbreak to see that they have white hair now. They also look old.

"Ma! Bakit parang tumanda kayo ni Tito Dante ng 10 years?!" sabi ko, naiiyak.

They both chuckled. Mama embraced me. I hugged her tightly as well as Tito Dante. They looked at the person behind me.

"Ral! Nagkabalikan na ba kayo ni Irene?!" gulat na tanong ni Tito Dante.

He smiled sheepishly before nodding. I rolled my eyes and chuckled lightly.

"I'm so happy to hear that!" ani Mama.

Umupo na kami sa upuan. Nagulat si Ral nang hawakan ni Mama ang kanyang kamay.

"I'm so happy seeing you two together. Noong nakulong kami ni Dante sobra akong naawa kay Irene. Sa labas, pinapakita niya lang sa amin na malakas siya pero alam ko ang loob niya ay umiiyak na. Please don't break her heart again. Please take care of her..."

Agad kong pinalis ang luhang tumulo.

"Ma, ano ka ba! Makapagsalita ka parang ikakasal na kami!"

Tumawa sila. Ral held my mother's hand on top of his.

"Pangako po, Tita hinding hindi ko na po iiwan si Irene."

Tumango siya at ngumiti.

"Ano ba yan! Biglang nalungkot ang atmosphere! Eh pumunta kami dito dahil may good news kami!"

"Ano ba ang good news na yan?"

I told her about the development of her case. Nanlaki ang mga mata nila.

"Ibig sabihin makakalabas na ako dito?!"

I nodded enthusiastically. "Oo, Ma! Makakalabas na kayo at makukulong na sila Grace at Joaquin!"

My parents were both so happy to hear that. Pagkatapos ay pumunta kami sa office ng Tita ni Luca.

"Good afternoon po, Atty. Anciana," bati ko nang makapasok kami.

Inflamed Feelings (Amor Joven Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon