Chapter Nine

22 2 0
                                    

He froze on his spot, obviously taken aback by my sudden question

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

He froze on his spot, obviously taken aback by my sudden question. He looked at the ground, biting his lower lip. Bumuntonghininga siya bago binalik ang kanyang tingin sa 'kin. 

"I-Irene... I --"

"Oh! Anak nandito ka na pala! Kasama mo si Ral!" biglang sabi ni Mama. 

Napatingin kaming dalawa sa kanya. Mama is smiling from ear to ear. 

"Ral, halika pasok. Nagluto ako ng turon!"

Nanlaki ang aking mga mata at mabilis na pumasok sa bahay. Mama chuckled. 

"Paborita kasi yan ni Irene! Mahilig talaga yan sa saging!" rinig kong sabi ni Mama kay Ral pagpasok nila sa bahay. 

Ral smiled. "Kitang-kita ko nga po."

"Uy, Ral! Halika, kain tayo! Ang sarap!" tawag ko habang ngumunguya.

Ral laughed and went closer to where I'm at. 

"Don't talk when your mouth is full..."

I giggled. Kumuha ako ng isang piraso at binigay sa kanya. Ang gago imbes na kunin iyon, binuksan niya ang kanyang bibig. I glared at him and kicked his leg. 

"Aray!" daing niya.

"OA mo! 'Di naman yun ganoon kalakas ah!"

He laughed and got the food from me. Tumango-tango siya habang kumakain.

"Mmmm... Ang sarap nga!"

"Diba?! Sabi ko sayo eh! Dabest talaga si Mama mag luto!"

Humalakhak si Mama na lumapit sa 'min. "Syempre ako pa!"

"Ano yang masarap na amoy?!"

Napatingin kami sa biglang nagsalita. Kadarating lang ni Tito Dante.

"Tito! Nagluto si Mama ng turon!" maligayang sabi ko. 

Lumapit siya sa 'min na may malaking ngiti sa kanyang labi ngunit napahinto siya ng makita kung sino ang nasa tabi ko. 

"Ah, Tito si Ral pala. Kaibigan ko! Anak siya nung kaibigan ni Mama na inimbitahan tayong noong birthday niya!"

"Magandang hapon po," ani Ral.

Nagkatinginan sila ni Mama sandali bago bumalik ang kanyang ngiti at nagpatuloy sa paglalakad. Kumunot ang aking noo ngunit kumain nalang ako. Lumabas si Drian at Dave galing sa kanilang silid.

"Gising na ang mga makukulit kong anak!" 

"Yey! Turon!" si Drian. 

Tumingin si Dave sa katabi ko at agad nag tanong. 

"Ate, sino siya?"

"Si Ral. Kaibigan ko."

"Kaibigan? Talaga? Eh wala namang babae at lalaki na mag kaibigan!"

Inflamed Feelings (Amor Joven Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon