Chapter Five

33 3 0
                                    

I smirked

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I smirked. "Ba't mo tinatanong?" mapanuya kong sabi.

"I'm just genuinely curious."

"Bakit sa 'kin ka nagtatanong eh close ba tayo? Tanungin mo si Gavin."

Irritation is now etched on his face.

"Just answer my damn question!"

"Why are you so angry?!" sabi ko, natatawa.

Umiling na lamang siya at aalis na nang sumagot ako. 

"Walang kami ni Gavin. He just approached me because he recruited me to run for their party, IGNITE."

He looked over his shoulder. "Tinaggap mo 'ba?"

"Hindi. 'Di naman ako interesado sa mga ganoon."

Tumango siya at umalis na. Napakunot ang aking noo at nagkibit-balikat na lamang. Nagpasya na ako bumalik sa loob at kumuha ng panghimagas. 

"Ba't natagalan ka?" bungad sa 'kin ni Mama.

"Nasa itaas kasi ang panghimagas at nag CR muna ako," I lied.

Tumango siya at nag simula nang kumain sa kinuha kong sweets. Dumaan ang mga araw at Valentine's Day na bukas.

"Naku! Sure akong madaming matatanggap si Farrah bukas!" ani Shera.

Farrah chuckled and turned to Jessie.

"Totoo bang tatakbo ka sa IGNITE?"

Jessie smiled before answering. "Oo. May practice nga kami bukas."

"Kami rin! Tatakbo rin si Barbie kasama ko at mukhang sila na nga ni Kowen!"

And they talked about Barbie and Kowen. Umalis nalang muna ako para bumili ng pagkain. As I was walking to the canteen someone snaked his arms over my shoulders. Aalisin ko na sana ito nang mapagtantong si Gavin iyon. Feeling close talaga ang isang 'to! Nasa tabi niya si Kowen at Ral.

"Hi, Irene!" ani Kowen sabay kaway.

"Saan ka pupunta?" si Gavin.

The two boys we're smiling from ear to ear while Ral was frowning. Ano na naman problema niya? Makasimangot siya parang nasakanya na lahat ng problema ng mundo. Presidente ba siya ng Pilipinas?! 

"Sa canteen lang." maikli kong sagot ko.

"Grabe ang cold mo talaga!"

"Pareho kayo nitong si Ral oh!"

Inirapan ko silang dalawa at tinawanan nila ako. 

"By the way. Valentines Day na bukas. May date ka 'ba?"

Napatingin ako kay Gavin. Tumingin rin si Ral sa 'kin at pabalik kay Gavin, lalo kumonot ang kanyang noo. Tumawa si Kowen.

"Itong si Gavin, pasimple!"

Inflamed Feelings (Amor Joven Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon