Labing limang yugto

36 5 0
                                    

Hindi ako kumibo, bagkus aking tinitigan ang mga mata ng aking ama.

"Patawad kung hindi patas ang mundo sa'yo." kumunot ang noo ko.

Kailanman ay hindi naging patas ang mundo, maraming dahilan at maraming napatunayan. Isa naroon ang pagkulong sa mga kababaihan, sa mga lalaking malayang nagagawa ang gusto.

Malaki ang pinag kaiba naming mga babae at lalaki. Kaming mga babae ay may sapat lang na dapat gawin. Kung hindi lang kami isa sa mayaman sa bayan na ito, baka hindi ako nakatapos ng pag-aaral. Baka isa rin akong nagbubukid at nag-aaral sa gawaing bahay. Ganon pa rin naman ngayon. Ngunit ako ay may pinag-aralan.

Hindi lang sa akin hindi patas ang mundo. Maraming tao na malas at hindi nagagawa ang mga gusto.

"Patas man o hindi, may mga bagay po na higit na dapat paboran." hindi ko alam kung saan ko iyon nakalap bigla nalang iyon lumabas sa aking bibig.

"Alam ko, makakabawi din ako sa'yo." Aniya at tumayo na.

Sinundan ko siya ng tingin at muling humarap sakin.

"Isasama kita sa susunod na linggo sa pagpupulong at sa kasal." iyon lang ang kanyang sinabi bago ako talikuran.

Hindi na rin ako nagtagal sa kusina at bumalik na sa silid.

Sumapit na muli ang kinabukasan. Alas kwatro ng umaga at nandito na ako sa may pintuan upang hintayin si Mamita.

"Halika na, nandon na ang Heneral." nagulat ako sa pagsulpot ni Mamita sa aking likod.

Nagpatianod nalamang ako hanggang sa marating namin ang isang malaking puno at nandon ang kalesa. Nakita ko agad ang kanyang kakisigan kung paano siya lumakad papunta sa amin.

"Maganda Umaga aking binibini, saiyo din Mamita." aniya at inilagay niya ang kanyang kamay sa akin.

Tumingin muna ako kay Mamita bago ko iniabot ang kamay kay Heneral Agustino.

"Magmadali kayo, gising si Señora Mariela kailangan ko na bumalik doon bago pa siya makahalata na may itinatago ako." Halos pati ako ay kinabahan.

"Maraming salamat." Ani Heneral Agustino.

"Osha, humayo na kayo. Mag-iingat lamang kayo." Kaya mabilis kaming sumakay ng kalesa at mabilis na nakalayo sa lugar.

Kapag dating namin ay nakaayos na ang lahat. Marami ang pagkain na nakahain, nasa gitna ang lampara na nagsisilbing liwanag sa amin.

"Galing na kami dito kanina, upang iayos ang mga 'yan." nagulat ako sakanyang sinabi. Bumaling ako sakanya at sa mga nakaayos na nasa harap namin.

Hindi ko mapigilan na hindi ngumiti sa daming pagkain na nasa sapin. Isang mangkok na kakanin, iba't ibang prutas at mga karne ang mga nandito. Kahit si Marco ay nakatingin din sa maraming pagkain.

"Bakit ang dami naman nito?" nag-aalangan kong tanong.

"Masaya lang ako, kulang pa nga iyan. Nais kong bongga ngunit tayong tatlo lamang ang kakain at baka hindi pa maubos." sagot niya sa akin habang mariin na nakatitig sa akin.

Nag-iwas ako ng tingin. Ganon ba siya kasaya para maghanda ng ganito kadami? hindi na ito kulang. Sobra sobra ang pagkain na nandito.

Naupo na kami sa isa pang sapin at hinintay ang pag angat ng araw. Alas sais ng magsimula kaming kumain.

"Ito tikman mo." napatingin ako sa hawak niya prutas na ngayon ay binabalatan niya.

"Ano ang tawag dyan?" tanong ko. Parang ngayon ko lang nakita ang ganyang klaseng prutas?

Ang Una at Huling Tagpuan COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon