Limang yugto

61 6 2
                                    

Hindi ko na gawang sumagot sakanyang tanong. Tila tulala lang ako habang pinagmamasdan ang mga kabahayan na nadaraanan namin.

Hindi ko rin batid na kung bakit niya pa kami hinatid, kahit pa dadaanan nila ang aming bahay. Isa siyang heneral at parang hindi magandang tingnan na nag-alok siya ng ganitong bagay.

"Maraming salamat po Heneral." saad ni Mamita habang nakayuko. Pinagmasdan ko rin ang kanyang pagyuko sa harap ni Mamita at mabilis na nag-angat ng tingin para salubungin ang aking titig.

Doon ko lamang napagtanto na hindi manlang ako nagbigay ng galang at pasasalamat. Naramdaman ko ang pagsiko sa akin ni Mamita. Kunot noo naman na nakatitig sa akin si Heneral Lopez.

Mabilis akong nag iwas ng tingin at nagbigay galang sakanya. "Maraming salamat po sa magandang kalooban ninyo Heneral Lopez." nahihiya kong saad.

"Señorita mali an--" hindi na natapos ang sasabihin ni Mamita.

"Walang anuman iyon. Kami ay tutulak na." aniya sabay talikod sa amin. Pinagmasdan ko ang kanyang likuran. Ang kanyang balikat na kita mo ang maayos nitong pagtindig.

Bago sumunod sakanya ang kanyang kutsero ay binaba niya ang kanyang sombrelo at itinapat iyon sakanyang dibdib bilang pag bigay galang.

"Paalam po."

Dumaan sa amin ang kalesang sinasakyan ni Heneral Lopez nang ito ay nakalagpas na sa amin ay tsaka palang kami pumasok sa bahay.

Dumeretso agad si Mamita sa kusina para mag ayos ng mga kasangkapan. Ako naman ay dumeretso na sa aking silid upang muling magsulat sa aking talaarawan.

Setyembre 25, 1901

Ang aking ikaapat na paglabas. Nais ko lamang ibahagi ang aking pagkamangha sa Heneral Lopez. Hindi lang dahil sakanyang kakisigan at kagwapuhan. Nais ko rin hangaan ang kanyang kabutihan. Hindi ko mawari ang aking nararamdaman kapag aking nasisilayan ang kanyang mukha. Para bang gustong lumabas na aking puso sa aking dibdib. Oo, yata. Tila ako ay nahuhulog na sa Heneral na iyon.

Nagdaan ang isang araw at ngayon ay nandito ako sa aking silid. Bumaba lang ako sandali at bumalik na agad dito.

Nakasilip ako ngayon sa aking bintana at tanaw na tanaw ko ang mga kababayan namin. Ang iba ay napapasulyap sa akin at ngumingiti. Akin naman iyon sinusuklian.

Tanaw na tanaw ko si Ina mula rito na kausap ang kutsero ni Heneral Lopez.

Laking pagtataka ko ng lumabas si Heneral Lopez at agad siyang sinabayan ni Ina na pumasok sa aming bahay. Mabilis akong nagsara ng bintana at akmang lalabas na nang may kumatok sa aking silid.

"Señorita, huwag muna daw po kayong lalabas at nandyan po sa baba ang Heneral Agustino. Pinapasabi ni Donya Mariela." si ina.

"Sige po Mamita." sagot ko at naglakad sa aking higaan. Bagsak ang aking balikat na naupo doon.

Kung ganon ay nandon din pala ang Heneral Agustino na iniibig na aking Ate. Akala ko ay si Heneral Lopez lang. Sila ay magkaibigan kung ganon?

Nais ko sanang lumabas para aking masilayan si Heneral Lopez. Ngunit malaking imposible iyon dahil nga hindi ako pinahihintulutan na lumabas manlang ng silid kapag sila ang aming panauhin.

"Mukhang ipagkakasundo na kami ni Ama." galak na galak na saad ni Ate Franches habang siya ay nagsusuklay sa harap nang aking tukador.

"Kanino ka ipagkakasundo?" kunot noo kong tanong.

Humarap ito sa akin. "Heneral Agustino. Sino paba?" tumaas ang kanyang isang kilay at sinimulan ulit ang pagsusuklay sakanyang buhok.

"Paano mo nalaman, wala naman si Ama kanina.." sagot ko.

Ang Una at Huling Tagpuan COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon