Nitong mga nakaraang araw ay may kakaiba sa ikinikilos ng dalawa. Hindi ko masumpungan kung ano ba iyon.
Matagal ko ng kabisado ang mga galaw nila. Kung kaya't naninibago ako ngayon sapagkat kakaiba na ngayon.
Malihim na sila noon pa man. Pero alam mong sa ikakabuti ang paglilihim nila. Kagabi ng umuwi sila parehas silang may pasa sa mukha. Nais kong mag tanong ng marami at alamin ng mabuti ang totoong nangyari sakanila sa labas pero tanging tipid na sagot at limitado lang ang naririnig ko sakanilang dalawa.
Ngayon ay umalis silang muli, naiwan ang kalesa. Kaya naman pinakain ko ang kabayo na hindi pa kumakain simulakagabi.
Inabala ko ang aking sarili sa gawaing bahay at ng matapos ito ay pumasok ako sa maliit na silid namin ni Agustino. Tsaka ko kinuha ang aking talaarawan.
Mayo 12, 1902
Dalawang buwan na simula ng aking iwan si ama at Mamita. Kamusta na kaya sila, nawa'y nasa mabuting kalagayan sila. Batid kong hindi tuwid o hindi maayos ang aming huling pag-uusap. Hangad ko lamang ay hindi sila galit at makita sila para naman maibsan ang kalungkutan sa aking puso para sa dalawang taong nagpalaki sa akin.
Isang oras na din pala mahigit ng lumisan si Agustino at Marco. Patungo daw sila sa palengke para magbaba ng mga bagong huling isda at gulay.
Sa totoo lang ay may kakaiba akong nararamdaman. Kaba at takot, may tiwala ako sakanila lalo na sa aking Agustino, ngunit ayaw kong may mangyari sakanila.
Gusto kong malaman kung ano ang kanilang tinatago mula sa akin.
- Marife.
Dumating sila pasado alas diyez ng umaga. Sakto at nakapag luto na ako ng aming tanghalian. May uwi silang mga isda at gulay na sariwang sariwa.
Dito namin napiling kumain sa labas para malanghap na din ang sariwang hangin.
"Maaari ba kitang makausap?" malamig at seryosong himig ni Agustino.
Bumaling ako rito at akala ko si Marco ang kanyang tinutukoy.
"Ano iyon?" sagot ko.
"Kapag tapos natin kumain." seryoso pa rin siya at walang bakas na ngiti sa labi.
Nakaramdam agad ako ng kaba. Parang hindi maganda ang pag-uusapan namin. Natatakot ako sakanyang sasabihin. Bakit ganito kalakas ang kabog ang dibdib ko.
Natapos kami at si Marco na ang nagligpit ng aming pinagkainan.
Sinundan ko siya sa may kakahuyan kung saan kaming dalawa lang ang nandon at walang makakarinig bukod sa aming dalawa.
"Halika, maupo ka muna." aniya.
Sumunod ako kahit pa naglalaro sa aking isipan ang masamang balita.
"Ano ang ating pag-uusapan?" iyon agad ang aking tanong ng makaupo ako sa kanyang tabi.
"Nais ko munang malaman na hindi ka magagalit kapag aking sinabi ang bagay na iyon." hindi ito sa akin nakatingin.
Mas lalo lamang ako nanlamig.
"Hindi." sagot ko kahit pa magagalit ako kung sakaling masama iyon.
BINABASA MO ANG
Ang Una at Huling Tagpuan COMPLETED
No Ficción"Nais kong linawin sa iyong isipan na wala akong dinadalang babae dito, ikaw palang Marife.. ikaw palang ang babaeng ninais kong dalhin sa paborito kong lugar." - Agustino "Alam mong Mahal ko siya Marife, noon palang alam mo na. Pero bakit sa dinami...