Nanigas ako at tila walang boses na lumalabas sa aking bibig, hindi ko magawang kumilos kahit pa batid kong sa mga oras na ito ay maaaring hinahanda na ang pag garote sakanya.
Natauhan nalamang ako ng may humila sa aking braso.
"Halika na Marife, hangga't may oras pa." hila sa akin ni ate Franches.
"Bakit ngayon mo pa sinabi?" malamig kong tanong sakanya. Huminto siya at humarap sakin.
"Hindi ito ang oras para ipaliwanag ko ang bagay na ito Marife." hinila niya ulit ako pero nagpumiglas ako.
"Hindi ko maintindihan, bakit ngayon mo lang sinabi. Kung kailan oras na para siya ay patayin??" hindi ko na maintindihan ang nangyayari. Tila pinaglalaruan yata ako ng tadhana at walang humpay ang suliranin.
"Hindi ko sinabi sayo dahil nagbabakasali akong mali ako nang pagkakarinig." aniya.
"May mga guardia sibil ang dumaan kanina sa Malolos, hindi talaga nilitis si Agustino don, kundi binigyan ng maraming kaso para sa pagtataksil niya sa bayan." hinihingal niyang saad.
Napatingin din ako kay Marco na malamlam ang mata at para bang alam niya ang mangyayari.
"Ihatid mo na sila Marco." sa pagkakataong ito ay doon ko unang nakita kung paano naging malumanay at banayad ang pagkakasaad ni tiya Mariela sa ibang tao.
"Masusunod po Donya Mariela." Mabilis akong hinila ni ate Franches. Bago pa lumakad ang kalesa ay nakita ko kung paano bumagsak ang balikat ni tiya Mariela.
"Magmadali ka Marco!" sigaw ni ate.
Samantalang ako ay tahimik na nababalisa. Paano kung hindi kami umabot, paano kung nakapunta nga kami kaso huli na.
Mas lalong sumikip ang dibdib ko sa naisip.. Hindi ko lubos maisip na maaaring huli na ang gabing iyon na pagkikita namin. Hindi ko maisip na hindi ko siya makakasama habang buhay.
Muling tumulo ang luha sa aking mata. Bakit parang kay lupit ng pag-ibig sa akin. Bakit kailangan pa namin ito danasin? para saan? para masubok ang aming katatagan at hanggang saan aabot at kakayanin ng pagmamahalan naming dalawa para sa isa't-isa.
Aking hangarin lamang ay makasama siya at bumuo ng pamilya. Mamuhay ng payapa at tahimik. Hindi ganito kagulo at kakomplikado.
"Paumanhin Marife." sa gitna ng aming paglalakbay.
Hindi ako sumagot sapagkat mabigat ang aking dibdib.
"Narito na po tayo." ani Marco.
Ako agad ang unang bumaba para mahanap agad si Agustino.
"Señorita Marife, doon po kayo dumaan sa likod, may silid po roon at may makikita kayong maliit na pasilyo. Nandon ang daan papasok ng himpilan. Mag-iingat lamang po kayo at maraming nagkalat ng mga naka sibilyan upang mandaya sa tao." paalala niya. Ang dami kong tanong para sakanila pero hindi ito ang tamang oras para don.
"Sasamahan na kita Marife." alok ni ate Franches. Tumango nalang ako at nagsimula ng maglakad ng mabilis.
Tama nga si Marco ang dami naming nakita na kakaiba ang kilos, kung hindi ko pa nakita na may hawak na baril ang lalaking gusgusin ay hindi ko malalaman na isa itong guardia sibil at nagpapanggap lamang na ordinaryong tao.
Mas lalo kaming nag-ingat sa paglakad dahil na rin sa dami ng tao ay alam kong hindi kami basta basta mapapansin ng karamihan.
"Iyon ang pintuan Marife." turo ni ate.
Nakita ko nga iyon, unang tingin ay mapagkakamalan mong pader lang iyon at hindi isang pintuan.
Mas lalo akong nakaramdam ng kaba dahil sa mga ganitong klaseng lugar. Halatang kay daming tinatagong lihim.
BINABASA MO ANG
Ang Una at Huling Tagpuan COMPLETED
Non-Fiction"Nais kong linawin sa iyong isipan na wala akong dinadalang babae dito, ikaw palang Marife.. ikaw palang ang babaeng ninais kong dalhin sa paborito kong lugar." - Agustino "Alam mong Mahal ko siya Marife, noon palang alam mo na. Pero bakit sa dinami...