Dalawampu't anim na yugto

30 4 0
                                    

Dito na natulog sila ama at lola. Si Marco ay umalis upang puntahan ang magulang ni Agustino.

Nandito ako ngayon sa sala habang binabasa ang dyaryong nilalaman ng balita tungkol sa ginawang pagtataksil sa bayan ni Agustino.

Pilit kong nilalakasan ang loob, at isinasaksak sa aking isipan na may dahilan kung bakit nangyayari ito.

"Ang pagbabalik ng taksil na Heneral."

"Traydor ng bayan."

Isa lamang iyan sa mga nakasulat sa dyaryo, hindi ko matanggap na ganito ang sasapitin ni Agustino. Ayaw kong isipin na maaaring higit na kaparusahan ang ihatol sakanya.

Sarado ang buong bahay dahil galit ang mga tao sa pamilya Lopez sa ginawa ngang pagtataksil ni Agustino. Kahit man ako ay wala pa rin nakukuhang kasagutan bukod sa sinabi ni Marco na isang rebelde si Agustino.

Kahit sino ay hindi iyon maiisip, tanyag na Heneral ng bayan ang aanib sa rebelde?

"Umalis kayo dito, mga taksil."

"Ang kapal ng mukha ninyong bumalik!"

Mabilis akong napatayo sa aking kinauupuan at binaba ang dyaryo. Sakto ang pagbukas ng pintuan ay ang
mga magulang ni Agustino ang iniluwa nito. Nagbigay galang agad ako at nagmano.

"Magandang Araw po Señora at Don." pagbati ko.

Ngumiti lamang sila sa akin at hinawakan naman ng ina ni Agustino ang aking kamay.

"Maraming salamat." aniya.

"Po, ako ho dapat ang magpasalamat sainyo.." mahina kong saad.

Umiling lamang siya at tumingin sa likod ng kanyang asawa.

"Marco, kamusta ang aking anak?" tanong nito.

Maski ako ay napatitig kay Marco, kinakabahan sakanyang isasagot.

"Maupo na muna po tayo." magalang niyang saad.

Ganon ang aming ginawa, pero nanatiling nakatayo si Marco at ang ama ni Agustino.

"Nasa rehas pa din po siya at may mga sugat sakanyang katawan.."

"Hinahagupit ba siya doon?" mabilis kong tanong.

Bumaling sa akin si Marco. Humigpit ang hawak sa akin ng ina ni Agustino.

"Ayon po sa aking nakalap ay tuwing hapon siya pinaparusahan. Masyadong naging mabigat ang inihatol sakanya ng nasa taas. Sa gabi lamang siya kumakain." huminto ito at tumingin sa akin.

"Señorita Marine.." tawag niya.

"May pinapasabi po si Señor." bawat bitaw ng kanyang salita ay may kasunod na mabigat na buntong hininga.

"Ano iyon?" nanginginig na ang aking boses.

Natatakot ako sa maaaring marinig ko.

"Magtiwala ka daw po sakanya at huwag mag-alala." aniya.

"May tiwala ako sakanya pero ang mag-alala ay hindi ko mapipigilan. Gusto ko siyang makita.." iyak ko.

Naramdaman ko na niyakap na ako ng ina ni Agustino.

"May tiwala ako sa aking anak, huwag kang matakot." bulong niya sa akin.

"Gusto ko siya makita." iyon ang paulit-ulit kong sinasambit hanggang sa magdilim na muli.

Hindi ako lumabas ng kwarto kahit pa kinakatok ako nila lola Mamita at ng ina ni Agustino.

"Iha, maaari ba akong pumasok?" dinig ko ang boses ng ina ng aking mahal.

Ang Una at Huling Tagpuan COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon