Nakarating kami kung saan dinala si Agustino, halos nagkagulo ang tao sa Malolos dahil sa daming nagpaputok ng baril.
Kahit ako ang nagulantang sa pangyagari. Hindi pa kami nakakapasok sa loob ng hukuman ay mabilis na natapos ang pagtitipon.
Malakas ang kalabog ng aking dibdib, sapagkat dalawang oras na ang nakakalipas at hindi pa rin nila mahanap si Agustino, dinakip siya ng mga alagad ni Don Luis. Sumugod ako sa mga taong pumupukol sa harap ng bahay ni Don Luis, mas marami na ngayon sila kaysa kanina.
"Señorita, bumalik po kayo sa kalesa." pilit ni Marco sa akin. Ngunit parang nabingi ako at poot ang nangibabaw sa aking puso.
Kahit pa masikip ay pinilit ko. Makarating lang sa harap ng mismong bahay ng Gobernador.
"Humarap ka sa amin Don Luis!" sigaw ko.
Sa buong buhay ko ay ngayon ko lamang gagawin ang bagay na ito. Ang sumigaw sa napakaraming tao. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na harapin at ilabas ang totoong damdamin ko.
"Lumabas kayo ng pamilya mo!" sigaw ng lalaking matanda.
Kahit ang karamihan ay sumisigaw din para mapalabas ang pamilya ni Don Luis, ngunit ni isa ay walang lumalabas. Mga guardia sibil ang nakaharang sa labas ng pamamahay nila.
Mas lalong naging masikip dahil nagkakatulakan na para lang makalapit sa mismong harap.
"Sabihin ninyo kung saan niyo dinala si Agustino!!" sigaw ko muli.
Napatingin sakin ang karamihan at nagtataka kung bakit Agustino lang ang aking tawag sa dating Heneral. Pinagmasdan nila akong mabuti bago bumalik ang tingin sa bahay ng walang awang Gobernador.
"Ibalik sa pwesto si Agustino!"
"Hindi na bilang Heneral, siya ang ipalit sa walang kwentang Gobernador na iyan."
"Palayain ang mga taong walang ginawa kundi ang magserbisyo!"
Nagkaisa na ang lahat sa pagsigaw ngunit walang nangyari at napaos lamang ang aming boses kakasigaw sa labas ng bahay ni Don Luis.
Pinagmasdan ko ang aking sayang lasog lasog na at paa na marumi.
Maya maya pa ay nagulat ako ng may humila sa aking kamay at mabilis na nilayo sa nagkakagulong mga tao.
"Ama?" gulat kong tanong.
"Ihahatid na kita sa bahay ni Agustino." seryoso niyang saad.
Mabilis akong nagpumiglas "Hindi maaari ama, hindi ko maaatim na manatili sa bahay na iyon hanggat hindi nila binabalik si Agustino." tumulo na ang luha ko ng maalala ang nangyari kanina sa Malolos.
- - -
"Anong ibig mong sabihin Marco?" balisa kong tanong. Tumayo ako upang lumabas sa kalesa ng pigilan ako ni Lola.
"Nagkakagulo na po kanina sa loob ng hukuman, hindi po agad ako nakabalik sapagkat hinahagilap ko na po si Señor Agustino ngunit hindi ko siya nasumpungan, narinig ko sa mga guardia sibil na dadalin siya sa lugar ng Gobernador." Habang nagpapaliwanag siya ay inaayos na rin niya ang kalesa upang tumulak na.
"Dapat nating alamin kung saan talaga siya dinala, o baka naman plano niyo ito??" tanong ko habang patuloy sa pagpapatakbo ng kabayo si Marco.
"Kumalma ka Marife." ani lola.
"Hindi ko po kayang kumalma kung alam kong nanganganib ang buhay ni Agustino Lola." umagos agad ang luha sa aking pisngi.
"Hindi maaaring magtanong si Marco sa mga guardia sibil lalo pa at mainit na ang nangyayari, baka mapahamak pa si Marco kapag ginawa niya iyon." Paliwanag ng aking Lola.
BINABASA MO ANG
Ang Una at Huling Tagpuan COMPLETED
Non-Fiction"Nais kong linawin sa iyong isipan na wala akong dinadalang babae dito, ikaw palang Marife.. ikaw palang ang babaeng ninais kong dalhin sa paborito kong lugar." - Agustino "Alam mong Mahal ko siya Marife, noon palang alam mo na. Pero bakit sa dinami...