Lumipas ang isang gabi hanggang nag linggo na. Tinotoo nga ni ama na ako kanyang palalayain na. Unang araw ay naging mahirap sa akin lalo pa at muling nag-away si ina at ama maski si ate Franches ay naki sali na.
Isang linggo na din kami nagkikita ni Agustino, sa umaga ay sa aming tagpuan, sa hapon ay sa bahay. Tanging sulyap nga lang. Madalas ay nakikita ko ang matagal niyang paninitig sa akin, mabuti na nga lang talaga at hindi iyon nakikita ni ate Franches.
Kalaunan ay nasanay na ako na ganon ang estado ng relasyon namin. Ngayong hapon nga ay hinihintay ko na siyang dumating. Nandito na ako sa sala kasama si ate na panay ang ayos sakanyang buhok.
Nagpanggap akong nagbabasa ng aklat at nasa gilid ko ay ang aking maligamgam na tubig.
Narinig ko na ang tunog kalesa. Nakita ko agad na nagmamadaling lumabas si ate.
Mabilis akong ginapangan ng kaba, hindi na rin ito bago sa akin. Dahil kapag nandyan na siya ay kinakabahan na ako.
Hindi nga ako nagkamali, kasunod siya ni ate Franches at agad siyang pinaupo sa mismong tapat ko.
"Marife, maaari bang doon ka sa lamesa." mariin at maarteng bulong sa akin ni ate.
Hindi ako kumilos, bakit pa? kahapon lang ay hinayaan niya akong nandito. Ngayon ay ayaw na niya.
"Marife!" diin niyang tawag. Nag-angat na ako ng tingin.
"Lumipat ka doon sa lamesa!" aniya.
Sinarado ko ang aklat na binabasa ko. Umalis siya sa aking harapan at nakita kong muli ang mukha ni Agustino na maamong nakatingin sakin.
Hindi agad ako nakaiwas ng tingin dahilan kung bakit bahagya akong tinulak ni ate palayo.
"Magandang Hapon, binibining Marife." malambing niyang bati sa akin ng nakalagpas ako sakanya.
Agad akong napabaling sakanya at nginitian. Hindi ko na napigilan pang ipakita ang galak sa akin.
"Magandang Hapon din Heneral." bati ko bago bumaling kay ate na masama ang tingin sa akin.
Mabilis akong tumalikod at pumwesto sa lamesa. Natanaw ko din si Mamita na nagmamasid lang. Hinayaan ko ang sarili kong tahimik na nagbabasa ng aklat tungkol sa pag-iibigan ni Remedios at ni Gregorio Del Pilar.
Kaunti lang ang may kopya ng kwentong ito. Si Gregorio Del Pilar ang naging bayani ng Bulacan. Sa angkin niyang galing sa pakikipaglaban sa mga dayuhan. Siya ang hinirang na batang Heneral. Ilang taon palamang ang nakakalipas ng siya ang mamatay. Sakasawiang palad ay namatay siya dahil sa tama ng bala sakanyang dibdib at ulo. Doon din lubusan na nasawi ang puso ng isang binibining Remedios.
Napaka lungkot ng pangyayari. Hindi manlang nagkaroon na kaliwanagan ang pagmamahalan nilang dalawa. Ang hirap lang din na hindi mo manlang siya nakita bago ito nawala.
Napaisip tuloy ako. Ang hirap din pala umibig sa isang Heneral. Kagaya lang ni Agustino na inaalay na ang buhay sa bayan. Ang hirap kalaban ng kanyang prinsipyo sa buhay.
Ang magsilbi sa bayan kahit kapalit pa nito ang buhay niya. Natatakot ako na mangyari din sa aming dalawa ang nangyari sa pag-iibigan ni Goyo at Remedios na lumipas na at hindi na mababalikan pa.
"Ano pa ang nais mo aking Heneral?" rinig kong tanong ni ate.
Kaya naman napa-angat ako ng tingin sakanilang banda at nahuli ko ang pasimpleng sulyap ni Agustino sa akin.
Bumalik ako sa aking binabasa at bahagyang tinakpan ang mukha sa ngiting pinakawalan ko.
"Wala na Franches, salamat."
BINABASA MO ANG
Ang Una at Huling Tagpuan COMPLETED
Nonfiksi"Nais kong linawin sa iyong isipan na wala akong dinadalang babae dito, ikaw palang Marife.. ikaw palang ang babaeng ninais kong dalhin sa paborito kong lugar." - Agustino "Alam mong Mahal ko siya Marife, noon palang alam mo na. Pero bakit sa dinami...