"Patawad." iyon agad ang lumabas sa aking bibig, patawad dahil wala akong magawa.
"Wala kang kasalanan mahal ko, ayoko nakikita kang tumatangis." aniya.
Nasa gilid namin si lola at Marco, tahimik na nakabantay sa amin.
"Hindi ko kayang nakikita ka sa ganitong lugar." ani ko.
Hawak ko ang bakal na nagsisilbing harang naming dalawa. Naramdaman ko ang kamay niyang magaspang sa aking kamay.
"Aking binibini, magtiwala ka makakaalis ako dito at babalik ako sa'yo." aniya habang ang boses niya ay pahina ng pahina.
Tumingin ako sakanyang mga mata na halatang pagod at gusto ng mamahinga pero nakukuha pa ring ngumiti.
"Nagtitiwala ako Agustino, maghihintay ako hanggang sa makalaya ka, maghihintay ako kahit gaano pa iyan katagal." pagtangis ko.
Binitawan niya ang kamay ko para haplusin ng pisngi ko. Upang pawiin ang mga luhang patuloy sa pag-agos.
"Ang mga luhang ito ay huli na, sapagkat ang susunod mong pag luha ay hindi na sa pamamagitan ng sakit at kalungkutan, kundi sa kaligayan at pagmamahal na ibibigay ko sayo." pabulong niya at kinuha ulit ang aking kamay para halikan.
"May dala kaming makakain mo sa loob ng tatlong araw." singit ni lola. Saglit kaming bumitaw sa pagkakahawak dahil tinulungan ko si lola Mamita na ibigay kay Agustino ang pagkain na inihanda nila kagabi.
"Señor, ito ang tubig na galing sa paborito mong balon." abot ni Marco.
"Maraming salamat Marco, sa pagtupad ng mga habilin ko." ani Agustino.
Tiningnan ko si Marco na maluha luha.
"Magsisilbi ako sayo Señor kahit pa ordinaryong tao kana lang. Lahat ng hiling at utos mo ay aking susundin." Hinubad ni Marco ang kanyang suot na sumbrelo at itinapat iyon sakanuang dibdib bago yumuko bilang tandang pag galang.
Kahit papaano ay gumaan ang aking pakiramdam. Ang masilayan ang taong mahal ko ay nakakagalak ng puso, pero ang makita siya sa ganitong posisyon ay nakakadurog ng damdamin.
"Mag-iingat ka palagi aking Marife, babalik ako sayo pakatandaan mo 'yan." aniya habang titig na titig sa aking mga mata.
Tumango ako bilang pag sang-ayon sakanya. Oo Agustino pakatatandaan ko ang mga bagay na ipinangako mo sa akin. Panghahawakan ko ang mga salita mo hanggang sa dumating na ang tamang oras para sa ating dalawa.
"Marco, Lola Mamita." tawag ni Agustino sa dalawa.
"Señor."
"Nais kong ipabatid ninyo sa aking ama at sa ama ni Marife na ang plano ay iyon pa din. Hihintayin ko ang araw na aming pinag usapan at doon ako kikilos. Sabihan ninyo ang mga kaanib na ang Kaanib ay dapat ng lumaban." kunot noo akong tumingin sa lalaking mahal ko, seryoso ang kanyang itsura at parang desidido siya mga salitang binibitawan niya.
Iyan si Agustino Lopez, may isang salita at may paninindigan sa bawat salitang kanyang binibitawan.
Ang Agustinong walang hinangad kundi ang kapayapayaan ng kanyang bayan.
"Lola Mamita?" tawag ni Agustino sa aking lola ngunit sa akin siya nakatingin.
"Alam na niya ang lahat Agustino." maagap na sagot ni Lola.
Hindi na ako nagtanong pa sapagkat alam ko ang ibig sabihin ng tinginan nilang iyon.
"Ang aking paliwang sayo Marife ay sa aking paglaya dito, sa ngayon ang gawin mo ay manatili sa aking tahanan at alagaan ang iyong sarili."
BINABASA MO ANG
Ang Una at Huling Tagpuan COMPLETED
Non-Fiction"Nais kong linawin sa iyong isipan na wala akong dinadalang babae dito, ikaw palang Marife.. ikaw palang ang babaeng ninais kong dalhin sa paborito kong lugar." - Agustino "Alam mong Mahal ko siya Marife, noon palang alam mo na. Pero bakit sa dinami...