Dalawampu't limang yugto

29 3 0
                                    

Isang malalim at mabilis na kalabog ng dibdib ang aking naramdaman.

Hindi ko alam o mawari kung ano ang uunahin kong isipin o problemahin. Natatakot din akong malaman ang lahat at mahirapan na tanggapin ang mga bagay na malalaman ko palang.

"Patawarin ninyo po ako, sapagkat ang bagay na ito ay nararapat na ninyong malaman."

Hindi ko binalingan si Marco, bagkus ay naglakad ako pabalik sa aking inuupuan.

Parang sumama ang pakiramdam ko, mali ba ako ng narinig? Bakit ito palang ang katotohanan ay hindi na matanggap ng isip ko. Paano pa ang puso ko?

"Dating magkasintahan ang iyong Mamita at Don Antonio, ganoon kalapit ang pamilya ninyo sa pamilya ng mga Lopez.. Hindi ko dapat ito sasabihin sapagkat wala akong karapatan. Pero ayoko naman pong magtaka kayo sa nangyayari sa paligid at sa maririnig mo sa labas Señorita." ani pa niya.

"Taga sunod lang namin si Mamita." hirit ko.

Tinitigan ko siya at para bang nagulat siya sa sinagot ko.

Huminga siya ng malalim at nag iwas ng tingin.

"Hindi ko po yata kayang sabihin ang istoryang ito. Mabuti pa at sakanila mo nalang mismo malaman. Sapagkat mamayang hapon lang ay pupunta dito ang iyong ama at Mamita." aniya.

Mas lalo lang ako naguluhan at nagkaroon ng madaming katanungan.

"Akala ko ba ay dito ako titira, bakit ngayon ay alam nila ama na nandito na ulit ako?" nanghihina kong saad.

"Huwag po kayong mag-alala at hindi ka nila isasama pauwi sainyo. Mamahinga na po muna kayo at lalabas lamang ako." yumuko ito sa aking harapan bago tumalikod para lumabas.

Hindi ko nga alam kung paanong pahinga ba ang gagawin ko. Dahil puno my hinanakit ang puso ko, puno my katanungan ang isip ko.

Pinilit kong makatulog para magkaroon ng sapat na lakas para harapin sila mamaya.

Ganon nga ang nangyari, hindi pa ako bumabangon ay narinig ko na ang kanilang boses sa labas ng silid na pinasukan ko.

Kahit pa wala pa sa wisyo ay bumangon ako para maharap na sila.

Binuksan ko ang pintuan at bumungad agad sa akin si Mamita. Maluha luha habang inaalo ng aking ama.

Sabay sabay silang tatlong bumaling sa akin, nakita ko kung paano bumitaw si Mamita kay ama para lapitan at yakapin ako.

"Oh diyos ko, kamusta ka Marife, sobrang nag-alala kami ng iyong ama. Mabuti nalang at nakabalik kayo ng matiwasay." sabi nito habang lumuluha.

Niyakap ko din siya pabalik bago tinanaw si amang basa na ang mata. Tsaka siya lumapit ng humiwalay na sa yakap si Mamita.

"Anak ko." iyon lang ang sinabi niya at agad na akong niyakap, doon na ron bumuhos ang luha ko.

Sobrang pangungulila ko sakanila. Sila lang ang nagtrato sa akin sa bahay.

"Ayos ka lang ba aking anak? ano, kwentuhan mo naman ako sa nangyari sayo ng wala kapa dito?" aniya.

"Madami kabang naging kaibigan? o di kaya masaya ba doon? maganda ba?" sunod sunod na tanong ni ama.

"Halika muna kayo at maupo, dito tayo magkwentuhan." ani Mamita.

Naupo ako sa harap nila. Titig na titig sila sa akin kahit pa si Marco na nakatayo sa gilid ng pintuan.

"Masaya, masaya palang mamuhay sa lugar kung saan pwede akong makalaya..." panimula ko.

Yumuko si ama, si Mamita ay nakatitig lamang sakin.

Ang Una at Huling Tagpuan COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon