Panandaliang pananahimik bago lumapit sa akin si ina Mariela para hablutin ako sa likod ni Agustino, ngunit bago pa niya iyon magawa ay hinawakan na ako ni Agustino sa aking pulupulsuan at inilayo ng mabilis kay ina kasunod si ate Franches na umiiyak sa galit.
"Ano ito ama?" sigaw ni ate.
Nasa tabi na ni ama si Mamita, ngumiti ng mapait ang nagpalaki sa akin bago bumaling kay ama na blanko ang mukha.
"Florentino, anong kataksilan ito?" halos mapatakip ako ng aking tainga.
"Cállate, no sea que entremos con nuestro ruido." (tumahimik ka baka pasukin na tayo sa ingay natin.) mariin ngunit may kasama pa ring hinahon.
"Don Florentino, necesito que Marife salga de aquí, por así decirlo." (Don Florentino kailangan ko ng maialis si Marife dito, kung inyong papayagan.) singit ng aking katabi. Hindi ko maintindihan ang kanilang sinasabi. Pero sa naging kilos ni ina ay parang alam ko na.
"Walang aalis, magpapatawag ako ng opisyales dito upang mahatulan ang ginawa ninyo sa aking anak. Mga taksil, at ikaw Marife, ahas ka.. Pagbabayaran mo ang ginawa mong kalapastanganan sa batas ng ating bayan!" sigaw niya muli.
"Pinagkatiwalaan kita Marife, ngunit ikaw din pala ang magiging dahilan ng sakit ng ito." iyak niya. Pinilit pa niyang lumapit sa amin para hagkan si Agustino ngunit agad na umiwas ang may hawak sa akin.
Hindi ko alam kung tama paba ito, kung bakit sa isang iglap ay nandito kami ngayon sa sitwasyon na ito.
Tama bang pinili ko ang sarili kong kaligayahan kasya sa kaligayahan ng karamihan. Tama bang saktan ko ang 'kapatid ko para sa lalaking iniibig naming dalawa?
Ang daming gulo sa isipan ko, isa naroon ang mga kilos ni ama at Mamita na hindi ko makuha ang kasagutan.
Hindi maaaring ganito ang desisyon ni ama, alam niyang hindi ito tama.
Tumingin ako sa mata ng aking ama. Pansin ko ang malalim at pagod niyang tingin sa amin ni Agustino. Pero pinipilit niya pa rin maging kalmado para hindi maging mabigat ang tagpong ito.
"Humayo na kayo, ako na ang bahala dito." Ani Ama.
Lumapit sa amin si Mamita at yumakap sa akin.
"Humayo na kayo, hangad namin ang inyong kaligayahan." at bumitaw ito sa akin at humarap kay Agustino.
"Cuidarás de Marife, con la bendición de Don Florentino." (Ikaw na ang bahala kay Marife, na saiyo na ang basbas ni Don Florentino.) wika ni Mamita, kapag sabi niya nito ay yumuko si Agustino sa harap ni Mamita bago sa aking ama.
Dinig na dinig ko ang palahaw na iyak ni ate Franches at ang mga matutulis na salita ni ina Mariela.
Pilit ko iwaksi ang isipan at hayaan ang sariling makasama si Agustino. Maging malaya sa pagkabilanggo sa pamamahay na ito.
Dahan dahan na akong hinila ni Agustino palabas na aming bahay. Isang sulyap para sa aking mabuting ama na walang ginawa kundi ang mahalin ako at ingatan.
Sa pagsara ng pintuan ay iyon na rin ang hudyat ng pagbukas ng panibagong yugto at pagsubok sa aking buhay.
Ikatlong hakba kasabay ng pagsigaw ni ate Franches.
"Balang araw babalik ka din dito na may dalang pighati at walang bakas na ngiti sa iyong labi."
Iyon ang huling salaysay na aking narinig at hanggang ngayon ay gumugulo sa aking isipan.
Isang buwan na din ang nakalipas simula ng umalis kami sa bayan ng Quingua upang mamuhay ng payapa at malaya sa piling ng aking unang pag-ibig na si Heneral Agustino.
BINABASA MO ANG
Ang Una at Huling Tagpuan COMPLETED
Kurgu Olmayan"Nais kong linawin sa iyong isipan na wala akong dinadalang babae dito, ikaw palang Marife.. ikaw palang ang babaeng ninais kong dalhin sa paborito kong lugar." - Agustino "Alam mong Mahal ko siya Marife, noon palang alam mo na. Pero bakit sa dinami...