"Nasaan si Marife?!" sigaw ni ina Mariela. Mabilis akong lumapit sakanila.
Hindi pa man ako nakalalapit ay hinila na ako nito papalapit sakanya tsaka sinampal sa aking kaliwang pisngi.
"Nais mo bang masira si Franches sa ina ni Heneral Agustino?!!" anito at mas hinila ang buhok ko.
Nakita ko kung paano manlisik ang mata ni ina sa akin, nasa gilid niya si ate Franches na masama ang tingin sakin.
Wala si ama, sumama siya sandali sakanyang kutsero para puntahan ang aming bukid sakabilang bayan.
"Wala po akong nais na ganon ina." sagot ko habang hawak ang aking buhok na hawak din niya.
"Ate, alam mong hindi ko iyon magaga--" napapikit ako sa sampal niya.
"Sinungaling! Kita ko sa mga mata mo kung paano mo pagmasdan si Heneral Agustino kanina!" sigaw ni ate sa akin.
Halos manlabo ang mata ko. Maaari ko bang sabihin sakanila ang totoo? Maaari ko bang isigaw sakanila kung gaano ako nasasaktan na malaman na ikakasal na ang lalaking iniibig ko sa sarili kong kapatid.
"Nagkakamali kayo--" Binitawan na ako ni ina at si ate Franches na ang humawak sa akin at itinulak ng malakas.
Halos masubsob ang mukha ko sa aming sahig sakanyang ginawa. Hindi ko na nagawa pang magpigil ng luha.
"Señorita!" sigaw ni Mamita at mabilis ako nilapitan.
"Tumabi ka dyan!" tulak ni ate Franches kay Mamita ngunit hindi ito nagpatinag.
"Marife, anong nangyayari?" nag-aalang tanong ni Mamita.
"Huwag mong pangalagaan ang babaeng iyan Mita!" si ina Mariela na hinablot ang damit ni Mamita.
"Tumigil na kayo Donya Mariela, Señorita Franches." pakiusap nito.
Lalong lumakas ang pag-iyak ko dahil nakita ko kung paano nila ito itulak gaya ng ginawa sa akin.
Tumayo ako at nilapitan si Mamita para itayo.
"Malaman ko lang na kinakalantarya mo ang mapapangasawa ni Franches ay higit pa dyan ang matitikman mo!" sigaw muli ni ina bago ako tinulak at muling mapatumba.
"Akin si Agustino! iyan ang lagi mong pakakatandaan Marife." huli niyang saad bago sumunod kay ina sa kanilang silid.
"Mamita." pagtangis at hinagpis ko.
"Ayos lang ba kayo? ano ang masakit sainyo?" awang awa ako sakanya. Matanda na siya at nakatikim pa siya ng hagupit na dapat ay hindi na niya dinaranas pa.
"Ayos lamang ako, ikaw ang mas napuruhan. Halika at ihahatid kita sa iyong silid at aking gagamutin ang pasa at sugat sa iyong braso." umiling ako at inalalayan siya.
"Nasan po si ama?" tanong ko habang dinadampi niya sa aking braso ang isang tela na binasa sa mainit na tubig.
"Mamaya pa iyon, nagkaproblema sa bukid. Maraming tulisan ang nagkalat sa ating bayan at ang bali-balita ay sainyong bukid sila madalas namamalagi at kumukuha ng mga makakain."
Nag-angat ako ng tingin.
"Akala ko ba ay naubos na ang mga tulisan?" kunot noo kong tanong at hinawakan ang kamay ni Mamita para itigil ang ginagawa.
"Iyon ang akala ng mga opisyales ng ating bayan ngunit hindi sila naubos, mas nagkaroon pa sila ng pagkakataon na humanap at kumuha ng mga kakampi para labanan ang gobyerno at mga nasa posisyon."
May naalala ako, may sinabi si Heneral Agustino kanina na nagdeklara ang Gobernador na lulusob sila sa kabilang bayan. Hindi kaya mga tulisan ang kanilang susugurin?
BINABASA MO ANG
Ang Una at Huling Tagpuan COMPLETED
Non-Fiction"Nais kong linawin sa iyong isipan na wala akong dinadalang babae dito, ikaw palang Marife.. ikaw palang ang babaeng ninais kong dalhin sa paborito kong lugar." - Agustino "Alam mong Mahal ko siya Marife, noon palang alam mo na. Pero bakit sa dinami...