Mga puno at dahon na sumasayaw sa gitna ng malakas na ihip ng hangin. Mga taong nagsasayawan sa gitna ng kalye. Mga batang nagtatakbuhan papuntang ilog para maligo. Mga kalesang sunod-sunod na paparating sa aming bahay.
Nakaupo ako ngayon sa harap ng aking bintana. Pumikit ako at ninamnam ang hangin na humahaplos sa aking mukha.
Isang taon na rin ang nakalilipas ng maganap ang kaguluhan noon.
Taong kasalukuyan (1903)
Isang taon na din ng yumao ang aking ama na si Don Florentino. Saksi ang bayang ito sa trahedya noong 1902, saksi ang bawat isa sa nangyaring kapighatian at kahirapan sa kamay ng yumaong si Gobernador Luis.
Ang araw na ito ang anibersaryo ng bakbakan laban sa kampo ng dating Gobernador at ang pamilya ng Lopez at ang kabahagi ng aking pamilya sa laban.
Tila ang bilis ng panahon at ngayon ay malayo na ang bayang ito sa dating bayan na puno ng kasakiman.
Malaya ang mga tao sa nais nilang gawin. Malaya ang mga bata na maglaro sa labas ng walang nasa pwesto ang pipigil sakanila. Malaya ang mga naghahanap-buhay ng walang kinaiilagang tao o opisyales.
Higit sa lahat wala ng magmamalupit sa bayang ito.
Wala ng pag aabuso, wala ng mag aalipusta sa mga kapos sa buhay. Wala na ring magbubiwis para lamang sakanilang buhay.
Wala na ang lahat ng bagay noong taong 1901-1902
Sapagkat lumipas na ang dati, lumipas na ang mga taong naging pabigat sa bayan ng Quingua.
Maayos ng naisasagawa ang batas para sa bawat magkakasala. Hindi na para sa mayayaman lang ang kalayaan para sa batas. Kung hindi para sa lahat ng taong nabubuhay. Mahirap man o kain tuka lamang ay nakapatas na ang mundo sakanila.
"Magandang Araw po Gobernador Agustino." dinig kong bati sa aking asawa.
Dahan dahan kong isinara ang aking bintana at nagpasya ng bumaba.
Marami na ang mga panauhin para sa pagdiriwang ng anibersaryo ng pagkalaya ng Quingua sa kamay ng mga masasama.
Mabilis na nahanap ng aking mata ang titig ni Agustino sa akin.
Nakita kong nagpaalam siya sakanyang kausap na isang Heneral at mabilis na naglakad papalapit sa akin.
"Kumusta ang iyong pakiramdam?" aniya at inalalayan ako sa pagbaba ng hagdan.
"Mabuti naman, medyo nawala na ang pananakit ng aking ulo." sagot ko.
Marami ang naglapitan sa aming dalawa para bumati.
"Magandang Araw Mrs. Lopez."
"Napaka ganda naman ng nagdadalang tao na ito." singit ng aking Lola Mamita na kanina pa pala nakikipag huntahan sakanyang mga kaibigan na kaedaran niya lang din.
"Hindi na ako magtataka pa at ang batang na saiyong sinapupunan ay ang papalit sa pwesto ng kanyang tanyag na ama." ani ni Heneral Marco at ngumiti sa aming mag asawa.
Si Marco ay naging isang Heneral. Siya ang pumalit kay Agustino na ngayon ay Gobernador na ng bayan ng Quingua.
Nang nailibing si ama noon ay ilang linggo lang ay hinalal nila si Agustino bilang bagong Gobernador ng bayang ito. Buong bayan ay siya ang nais mamuno dahil na rin sakanyang pinamalas ng siya ay Heneral palamang noon.
"Nasaan ang iyong mag ina Marco?" tanong ni Agustino.
"Nasa silid pa Gobernador, inaayusan pa ni Franches." tumango lamang kami at muling nakipag usap sa iba pang panauhin.
BINABASA MO ANG
Ang Una at Huling Tagpuan COMPLETED
Non-Fiction"Nais kong linawin sa iyong isipan na wala akong dinadalang babae dito, ikaw palang Marife.. ikaw palang ang babaeng ninais kong dalhin sa paborito kong lugar." - Agustino "Alam mong Mahal ko siya Marife, noon palang alam mo na. Pero bakit sa dinami...