Labing walong yugto

31 4 0
                                    

"Hindi ba pumarito ang Heneral?" lumilingang tanong ni ate Franches. Pati si ina ay ganon din ang ginawa.

"Dinig ko ang usapan ng mga opisyales na nagtungo daw ang mga ito sa kabilang bayan." Ani ni ina.

Nag-iwas lamang ako ng tingin at nag panggap na hindi ko sila naririnig.

Iyon ang naging laman ng balita sa ibang mamamayan. Pero sa akin ay nagpakita siya para sabihing magkita kami sa aming tagpuan.

Nagising ako sa kaluskos sa aking silid, pinagmasdan ko ang nakatalikod mula sa aking tukador.

"Sino ka." akmang damdampot na ako ng pamalo ng humarap ito sa akin.

"Mamita?" gulat kong saad.

Mabilis niya akong nilapitan para ipakita ang baro't saya na kanyang hawak.

"Magmadali ka at nandyan na sa labas si Marco. Hindi ka maaaring magtagal Marife." iyon lamang ang kanyang sinabi bago ako nagsimulang mag-ayos at napagtantong magkikita kami.

"Muntikan ko na makalimutan." bulalas ko.

"Alam ko, kaya minabuti kong pasukin kana dahil napansin kong bukas pa rin ang lampara mo." aniya habang inaayos ang aking pantali sa buhok.

Sa unang pagkakataon ay nakatali ang mahaba kong buhok sa pagkikita namin ni Heneral Agustino.

Hawak ko ang isang talaarawan, gusto kong sumulat habang nandon kami sa aming tagpuan. Gusto kong malaman niya na sa bawat pagkikita namin ay aking isinusulat para aking mapagnilayan ang mga araw na magkasama kami.

"Marco, paki hatid si Marife bago mag alasyete ng umaga. Humayo na kayo at mag-ingat." Ani ni Mamita bago kami tumulak paalis.

Hindi ko napigilan na hindi sulyapan ang daan, ngayon ko nalamang muli ito nakita. Hindi ko naman na kasi nabibigyan ng oras ang pagtabaw sa paligid lalo kapag aking katabi si Agustino.

Bumaba na ako ng kalesa bitbit ang pinadalang pagkain ni Mamita, inipit ko ang talaarawan sa aking damit para hindi niya agad makita.

Habang naglalakad ay tanaw ko na agad siya na nakatayo at nakatitig sa akin. Nasa aking likuran si Marco.

"Magandang Umaga aking binibini." aniya bago magbaba ng sombrelo.

"Magandang Umaga din Heneral."

Pinagpagan muna niya ang sapin bago ako pinaupo roon. Ngumiti lamang ako at binuksan pa ang isang gaserang dala ko.

"Mas mabuting maliwanag." Ani ko.

"Akala ko ay hindi ka makakarating." panimula ni Agustino.

Hindi ko siya tinapunan ng tingin. Hinayaan kong nakatanaw sa malayo para maibsan ang namumuong kaba at sakit para sa kasal nila.

"Akala ko rin ay huli na ang ating pagkikita noong kaarawan mo." hindi ko alam kung bakit iyon ang aking sinabi. Siguro ay dala na rin ng sama ng loob ko sakanya.

Pero kahit pa masama ang aking loob, sinikap kong makita siya ngayon.

"Ito rin ang dahilan kung bakit ako pumunta."

Tahimik ang paligid tanging tunong ng tubig sa ilog ang naririnig.

"Malaman ko mula saiyo kung bakit ngayon ay ikakasal kana sa aking 'kapatid. Batid mong alam ko ang gusto mo, pero mali naba ako ngayon? nilayo mo naba ang kaalaman ko para don at ngayon ay naliligaw na ako sa totoong nangyayari?" hindi ko na napigilan pa ang maging emosyonal.

Ang Una at Huling Tagpuan COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon