Pitong yugto

45 5 0
                                    


"Magandang hapon Heneral." saad ko nang makabawi ako.

"Bakit ka nasa labas ?" seryoso niyang tanong. Hindi manlang ito nag-iwas ng tingin bagkus ay mariin niya akong  pinagmasdan.

"Naglinis lamang ho ako ng bakuran namin, ano po ang aking maitutulong?" tanong ko.

Batid kong may kailangan siya, sapagkat kung wala ay bakit siya nandito gayong may pagdiriwang sa bayan at siya ang naatasan na mamuno sa seguridad.


Imbis na sagutin ako ay umupo siya sa kahoy na inuupuan ko kanina. Halos manlamig ang aking katawan habang nakatayo sa harap niya.


"Palagi mo ba itong ginagawa?" tanong niya habang nakatingin sa daan.

Hindi ko alam kung dapat ko bang sagutin iyon o hayaan nalang siya.


"Ngayon lang po Heneral." sagot ko.


"Kung gayon, sa susunod ay hindi mo na ito gagawin?" sa pagkakataong ito ay mas nangibabaw lalo ang kalabog ng dibdib ko.


"Sa totoo lang po ay nagustuhan ko na ito ngayon, baka dumalas ang paglilinis ko dito at pagdidilig sa mga bulaklak."


Hinintay ko siyang magtanong muli pero bigo ako, dahil mas tinuon niya ang atensyon niya sa mga bulaklak na malalago.

Gusto siyang tanungin kung bakit hindi pa rin siya umalis, baka hinahanap na siya doon sa bayan.

Ni hindi ko na rin makuhang maupo pa dahil siya na ang nakaupo don. Napaatras nalang ako nang tumayo na siya at mukhang handa ng umalis.

Ano ang kanyang ginawa dito? mukhang wala naman siyang kailangan gaya ng akala ko. Binigyan ko siyang daan para maayos siyang makapag lakad.

Ngunit isang bulaklak ang aking nakita sa aking harapan. Nasa ere ang kanyang kamay habang hawak ang puting rosas.

Napa-angat ako ng tingin at binigyan siya ng nagtatakang itsura.

"Puting rosas para sa binibining may malinis na puso." aniya habang hinihintay niyang abutin ko ang rosas na hawak niya.

Pinagmasdan ko ang kanyang mga mata na seryoso at mariin ang titig sa akin. Para makaiwas sa mga matang iyon ay kinuha ko nalang sakanya ang rosas na hawak niya.

"Maraming salamat Heneral." kahit pa may bakas na panginginig ang tinig ko.

"Maaari ka nang bumalik sa iyong silid. Ako ay tutungo na muli sa bayan. Nakuha ko na ang nais ko rito."  hindi ko mawari ang kanyang mga sinasabi. Kahit pa tingnan ko ang kanyang mukha ay wala akong mabasa. Seryoso lang siyang nakamasid sa akin. Iyon din ang dahilan kung bakit mas lalo kong nakasisiguro na nahuhulog na ang loob ko sakanya.

Hindi madaling umibig, lalo pa at hindi ko naman siya lubos na kilala. Ganito lang ang aming pag-uusap pero tila ba may alam ako sakanya. O parang may bumubulong sa akin na dapat ko pa siyang kilalanin.

"Pumasok kana binibining Marife." aniya habang nakatayo sa may tapat ng kalesa.

Akmang lalapit ako sakanya upang ihatid siya ng tingin pero agad niya akong pinigilan. "Hindi ako aalis dito, hangga't hindi ka pumapasok sa loob." mas lalong nagdiwang ang aking kalooban kahit pa nangangatog na ang aking tuhod sakanyang sinabi.

Hindi ko alam kung ano ba ang naging itsura ko nang mabilis akong tumalikod at naglakad papasok sa aming bahay.

Halos hindi ko na nagawa pang lumingon pa sa labas dahil sa kabang nararamdaman.

Ang Una at Huling Tagpuan COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon