Chapter 22

0 0 0
                                    


Krisz Povs*

"Z ano na ba namang kalokohan ito? Napag usapan na natin tong dalawa."saad ko habang nagsusuklay, may plano kasi kami ng tropa na mag girl outing kahit ngayon lang pero ito naman si Zach ay gustong sumama.

Kita ko sa kaharap kong salamin na lumapit siya at inakap ako "Isama mo na lang kasi ako at ma-mimiss kita, hindi naman magagalit si Katrina pag sinama mo ako."sagot niya at nagpapacute, jusko wag kang bibigay krisz kundi malilintikan ka na naman ni katrina pag sinama mo ang lalaking iyan

Tumayo ako at nagsimula nang i check kung may kulang ako dadalhin "Paano na magiging 'girl outing' kung sasama ka akala ko ba payag ka na kahapon."saad ko bago humarap sakanya at namewang sa harap niya kaya napa upo na lang siya sa kama at binigyan ako ng tingin na parang batang di pinagbigyan ng candy "Please.. baka kasi may aaligid aligid na mga lalaki, beach pa naman ang pupuntahan niyo, pramis kapag nasa resort na tayo ay lalayo na ako sa inyo hindi ako na makikisali."paliwanag niya na ikinataas ng kilay ko, ba't ba ang hirap kausapin ng lalaking 'to kahapon payag na hindi siya kasama ngayon nagta-tantrums dahil gusto ng sumama.

Kinuha ko ang traveling bag ko "Hindi pa rin, nakakahiya sa kanila nakapangako na kami na di kami magsasama ng boys."sabi ko bago tumalikod na kasalukuyan kasi kaming nasa condo niya ngayon "Marami ka rin gagawing trabaho ngayo--"pinutol niya ang mga sasabihin ko "Nandiyan naman ang secretary ko and besides I know micah can handle it deserve ko rin naman siguro mag bakasyon."saad niya siya na kasi ang humandle sa mafia at nagbitiw na rin siya sa sundalo. Humarang siya dadaanan ko kaya napapikit ako at napabuntong hinga na lang sa mga inaakto ng lalaking 'to "Zachary pag ako malinlintikan nito patay ka talaga sa akin."sagot ko dahil hindi matatapos tung usapan namin kung hindi ko siya isasama.

"Yes!"sigaw niya at napasuntok sa ere "I swear my loves hindi ka mapapahiya."he answered while grinning, mukhang may binabalak na naman tung lalaking 'to patay talaga ako kay katrina nito siya pa naman talaga ang nag insist na walang boy na isasama para makapag relax kami ng todo na kami lang.

Mabilis niyang kinuha ang backpack niya na nasa sofa na ikinataas ng isang kilay ko "So nakapag impake ka na pala kahit hindi ka sigurado na isasama kita?"natawa ako ng mahina "Ang taas rin ng cofidence boy?!"natatawang sabi ko at nauna ng maglakad palabas "Mataas naman talaga ang confidence ko dahil alam kong hindi mo ako matitiis awiiii."nanunuksong sagot niya na ikinasimangot ko ng kaonti "Che! Tumahimik ka."

Si Zach ang nagmaneho habang ako naman ay nasa shotgun seat, dalawang oras lang naman ang byahe papuntang Vales Beach Resort. Hindi na rin kami huminto para kumain dahil nakakain naman kami sa condo niya.

At sa buong byahe ang ginawa ko lang ay pestehin siya buong mag damag, kagaya na lang kanina pina tugtog ko ang radio at sakto naman na alam ko ang kanta kaya kumanta ako at alam niyo naman na pangit ang boses ko kaya habang nagmamaneho siya ay panay ang reklamo niya na itigil ko ang pagkanta. Yan ang napapala niya dahil pinilit niyang sumama sa akin.

Tch. Patay talaga ako kay katrina at lalong lalo narin sa dalawa. Ramdam ko rin na medyo naninerbyos na ako at namamawis na rin ang kamay ko. Napadasal ako ng mataimtim ng matanaw ko na ang gate ng resort, sa lobby pa naman kami magkikitang apat.

Napabalik ako sa ulirat ng maramdaman ko ang kamay ni Zach na nakahawak sa akin kaya napalingon ako sa kanya "Wag kang mag alala hindi ka mapapahiya, trust me."ngiti niyang sabi at nagawa pang kumindat pero hindi ko rin napagilan ang sarili ko na mapangiti na rin.

Ibinalik ko na ang tingin ko sa harapan ng di binibitawan ang kamay ni Zach, nanlaki ang mga mata ko ng makita kung sino ang naghihintay sa lobby "Si Leon ba iyan?! At kasama si Inah?"gulat kong sabi at binalingan ko ng tingin si Zach na ngayon  may ngiting tagumpay sa mukha, ito ba ang sinasabi niya na hindi ako mapapahiya? "Hoy ugag! Pinapunta mo ba yang kaibigan mo rito para hindi lang ikaw ang isang lalaki?"inis kong tanong sakanya nakita ko naman na napakamot siya sa likod ng ulo niya "Half yes? Pero gusto niya rin namang sumama and I'm just doing a favor to my friend who is inlove."sagot niya na mas ikinalaki ng mga mata ko "Inlove siya kay Inah?!"di makapaniwalang sabi ko

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 27, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Irrevocable Feelings (Mafia Series 1)Where stories live. Discover now