Krisz Pov*
Nandito ako ngayon sa condo ko at nagpapahinga, umuulan kasi sa labas. Kasalukuyan akong nagbabasa ng libro habang kumakain ng Ice candy. Itinigil ko muna ang pagbabasa at tumihaya upang maayos kong maipagpatuloy ang pagkain ng Ice candy. Paborito ko kaya toh, ang sarap talaga!
Loving the weather, this is the perfect day for me. Napaka gandang mag chill lang ngayon. Kung tatanungin niyo ang mga kaibigan ko ayon lahat sila busy, lahat kasi sila may emergency sa trabaho kaya wala akong magawa kundi dito muna sa condo at isa pa ay umuulan.
Nabalik ako sa pagiisip ko ng may magdoorbell kaya napabangon kaagad ako "Sino naman kaya ito?"tanong ko sa sarili ko, nasa bibig ko pa rin ang ice candy habang sinisilip ko sa peephole kung sino ang nasa labas.
Halos mahulog ang ice candy na nasa bibig ko mabuti na lang ay nahawakan ko ito "The heck?!"gulat kong bulaslas, anong ginagawa ng gagong toh sa labas. Baliw ba siya?
Hindi ko kaagad binuksan ang pinto kaya siguro siya nainip at paulit ulit niya pinindot ang doorbell. Kawawang doorbell, pero pag iyan nasira siya talaga ang ipapalit ko diyan, bwesit! Panira ng araw
Padabog kong binuksan ang pinto "Hoy! Balak mo bang gibain ang doorbell ko."bulyaw ko sakanya "Ano bang kailangan mo lalaki ka."alam niyo kung sino ito wala iba kundi ang gago ko lang naman na Major
Nangunot ang nuo niya "Hoy! May pangalan ako at kasalanan ko bang ang tagal mong lumabas at panghuli wag mo akong masigaw sigaw babae ka."bulyaw niya pabalik sa akin, oh! I just piss him
Napa-smirk na lang ako sa mga narinig "Karapatan kong di kaagad lumabas malay natin baka magnanakaw pala iyon."sagot ko sakanya at nakita kong natauhan siya sa pagsigaw niya pero kaagad naman iyon napalitan ng ngiting may kalokohan "Mukha ba akong magnanakaw?tanong niya sa akin
Napatawa na lang "Tinatanong pa ba yan? Syempre mukha kang magnanakaw kahit sino ay pwede kang mapapagkamalan noh."prangkang sabi ko pero ganoon parin ang mukha niya "Magnanakaw naman talaga ako, ang magnanakaw ng puso mo."banat niya nag finger heart pa, seriously? Alang epek mga teh yun na yung banat niya
"Ang corny, di bagay sayo."diring sabi ko kaya napasimangot siya and I find it attractive, joke lang kaya umayos ka selp "Ba't ka ba kasi nandito?"
Napakamot siya sa ulo niya "Naabutan kasi ako ng ulan at dito ako napahinto ako at dito ang mas malapit kaya dito na lang ako pumunta, tama yun nga."paliwanag niya at kahit saan pumupunta ang mga mata, I know he is lying sa palusot niya pa lang waley na "Paano mo nalaman ang address ko? And wala ka bang dalang sasakyan?"inosenteng tanong ko sakanya
"I have my ways at tumirik ang sasakyan ko."matapang niyang sagot, I know he is just lying mga palusot niyang bulok.
Aakmang isasara ko na sana ang pinto ng iharang niya ang paa niya "Hindi mo ba ako papasukin man lang?"tanong niya, baliw ba siya ano ako nakakain ng hilo para gawin iyon "It's a big no."mariin kong sabi at malakas na isinara ang pinto pero hindi ko pala alam na iniharang niya ulit ang paa niya kaya ayon ipit na ipit
"Araay!Tangina."mura niya, at ngayon ay problema na naman, napaikot na lang ang mga mata ko at hinila siya papasok sa condo ko "Dahan dahan naman, ikaw na nga tong nakaperwisyo."mahinang reklamo at daing niya
Mas hinila ko pa siya "Kasalanan ko bag tanga ka, kita mo ngang isasara ko na ang pinto hinarang mo pa talaga ang paa mo."inis kong sagot "Umupo ka diyan kukuha lang ako ng first aid kit."
Kinuha ko ang first aid sa banyo at itinapon ko na rin ang ice candy ko na kanina ko pa hawak, imbes napaka ganda ng mood ko ngayon ay nawala na. Pesteng Zach ako pa talaga ang ginulo kung hindi niya lang ako under baka kanina ko pa siya sinapak.