Krisz Povs*
Sabay kaming pumasok ni Zach sa loob ng bahay, nakita kong naghahanda na sa hapag kainan sina Krystal at micah, mukhang nagkasundo ang dalawa. Si tita naman ay busy sa paghahanda rin ng ulam, kaya tinulungan ko siya na isalin ito sa mangkok.
Mahinang kinurot ako ni tita sa tagiliran kaya napangiwi ako sa sakit "Ikaw ha, lumalandi ka na rin ah."pagnunukso niya sa akin kaya napasimangot ako "Pero infairness gwapo niya at mabait pa."dagdag niya at tiningnan si Zach na seryosong kausap si Anton.
Nang matapos ang paghahanda ng pagkain ay nagsimula na kaming kumain ng hapunan, ang hapag kainan namin ay napuno ng tawanan at usapan, dahil iyon sa pangunguna ni Krystal at Micah. Nang matapos na kaming kumain ay biglang tumayo si tita at pagbalik niya ay may dala siyang durian, mah favorite!
"Ito panghimagas, nakatikim na kayo nito?"tanong ni tita sakanila, nakita ko namang sabay na napangiwi sina Zach "What t-that smell?"tanong ni Zach kaya napatawa aki ng mahina
"O my ghosh! Unang beses kong makakatikim ng durian."bulaslas ni Micahn gusto ko ng tumawa ng malakas dahil sa itsura nila. Masarap naman ang durian at mabango ang amoy nito, kaya di ko ma gets kung bakit ang ibang tao ay grabe na lang kung makareact pagnakakita ng durian.
Si Anton ang nagbukas sa durian at kaagad na pumasok sa ilong ko ang mabangong amoy nito, nakita ko naman si Zach at Micah ay tinakpan ang ilong nila "Masarap ang lasa at tiyak akong magugustuhan niyo."saad ko sakanila at ngumiti
Napangiwi si Zach ng nagsimula akong kumain kaya napaikot na lang ang mga mata ko. Kumuha ako ng bagong piraso at inilapit sa bibig niya "Just try it."
Sinubo niya ito at medyo nag alangan pa siya, nginuya niya at nilalasahan ang lasa, ilang segundo ang lumipas ay sumubo ulit siya habang hawak ko pa rin ang durian. Dahan dahan na rin niyang kinuha ang kamay niya na nasa ilong niya, kaya napangiti ako.
"Oh! Ikaw na ang sumubo sa sarili mo."sabi ko sakanya pero umiling lang siya sa akin at mas nilapit ang upuan niya sa upuan ko, pinagtabi kasi kami ni tita kaya wala akong nagawa "Mas masarap pag ikaw ang sumubo."saad niya at kumagat sa durian, nyeta! May gana pang magpakilig.
Mabuti na lang at di nakapansin sila, si Krystal at Anton ay pilit pinapakain si Micah ng durian habang si tita ay tuwang tuwang nakatingin sa kanila "Micah just try it. I guarantee the deliousness."paninigurado ni Zach sakanyang kapatid
Kaya kumagat ng maliit na piraso ng durian si Micah, take note nakatakip ang ilong at nakapikit pa ang mga mata. Mga ilang segundo ay kinuha niya ang kamay niya sa ilong at dire-diretso ng kumain ng durian. Kaya natawa kaming lahat sa inasta niya "Dahan dahan lang iha baka mabulunan ka."pagpapaalala ni tita kay Micah
Nang maubos namin ang durian ay nagsimula na ako maglipit tumulong rin si Anton "Umakyat kana sa itaas tita, alam kong pagod ka sa restaurant kanina."saad ko at tumango naman siya.
"Nako kuya at Micah wag na kayong magabala na tumulong, mga bisita namin kayo."pagpigili ni Anton dahil tumulong rin kasi ang magkapatid "No, it's fine sanay naman kami sa gawaing bahay."nakangiting sagot ni Micah
Kahit may pagka spoiled si Micah ay maalam naman pala sa mga gawaing bahay "Ako na ang maghuhugas ng plato."saad ko at nagsimula ng ilipat ang mga plato sa lababo.
Mabilis lang akong natapos na maghugas dahil tinulungan ako ni Anton, naabutan ko ang magkapatid na nasa sala "Uhmm...dito na lang kayo matulog, gabi na rin kasi."saad ko sakanila at napakamot ng ulo "Nah it's fine, sa hotel na lang kami matutulog."sagot ni Zach
"Kuya baka wala na kayong mahahanap na hotel na bakante ngayon."pagaalma ni Anton na nasa tabi ko lang "Meron naman kaming guestroom rito na double deck kaya walang problema naman."dagdag ko sakanila
