Chapter 7

0 0 0
                                    

Krisz Pov*

Kaagad akong pumasok sa kotse habang si Leo ay kaagad pumunta rin sa driver seat. Rinig pa rin ang putukan sa labas ng sasakyan mabuti na lang nga ay bullet proof ito.

Kaagad na pinaandar ni Leo ang sasakyan "Dumapa ka rito."utos ko kay micah at tinuro ang baba ng upuan kaya kaagad naman siyang tumango. I can see in her eyes is only fear, kaya natatakot ako na magiging epekto ulit ito ng trauma niya.

Nakita kong naka pwesto na si Micah "Cover your ears no matter what happen."saad ko sakanya at tumango siya kaya mas lalo akong nabahala because she's not talking simula nung barilan "Please say anything, I worried."dagdag ko

Sinilip ko ang likod at may sumusunod na dalawang itim na kotse "I will be okay Ate, I'm strong."sagot niya kaya medyo nakahinga ako ng maluwag kaya ngumiti ako at tiningnan si Leo.

"Do you have any guns?"tanong ko sakanya kaya sinilip niya ako sa rear view mirror bago sumagot "Marunong kang gumamit?"takang tanong niya sa akin

"Yeah, I'm a soldier."tipid kong sagot "Woah! I'm impress. Nasa likod ang baril but I just got two magazines only."sagot niya sa akin at ibinalik ang tingin sa daanan

Kaagad kong kinuha ang isang bag na may lamang baril at bala. Linagyan ko ito ng mga bala at lumipat ng pwesto sa harapan "Iligaw mo sila."utos ko sakanya at kinasa ang baril

"I know what to do woman!"inis niyang sagot sakin kaya natawa ako "Edi mas okay."sagot sakanya at binuksan ang bintana at inilibas ang kalahati kong katawan

Nagpaputok ako at pinuntirya ang gulong ng sasakyan ng kalaban, nakatatlong putok ako bago ko ito natamaan. Nakita kong nagpagewang gewang ang sasakyan bago ito nabangga sa isang poste.

One down two to go, ibinalik ko sa loob ang katawan ko. At sumandal sa upuan para kumuha ng lakas, tangina ang bilis magpatakbo ng lalaking toh!

Pero wala akong magagawa dahil hinahabol kami ng mga peste. At kailangan ko na itong tapusin dahil nasusuka na ako sa bilis ng pagpapatakbo niya.

"Do a drift, on my count..."utos ko at inilabas ulit ang katawan ko "One..."patay talaga kayong mga peste "Two...."itinaas ko ang baril "Three!"sigaw ko at naramdaman kong umikot ang kotse pati na rin ang paningin ko

Shit! Hilo na ako at gusto ko ng sumuka pero linabanan ko iyon at pilit pinapatuwid ang tingin.

Una kong pinatamaan ang nasa driver seat sunod ay ang katabi niya, boom!sapul sa ulo lahat. Hindi ko na alam kung anong nangyari sa kotse nila dahil hilong hilo na ako

Nanghihina ako napabalik sa inu upuan ko, inilapag ko ang baril sa dashboard bago nagsalita "Itabi mo muna.."nanghihina kong sabi.

"Ate krisz are you okay?"tanong niya sa akin pero di ko siya sinagot, nang maramdaman kong huminto ang sasakyan ay kaagad akong lumabas at sumuka.

Shit! Halos lahat na ng kinain ko kanina ay nailabas ko na. Naramdaman kong meron humahaplos likod ko, ng sulyapan ko iyon ay kaagad nag init ang ulo ko

Pinunasan ko ang bibig ko gamit ang panyo ko "Bwesit ka! Di ba pwede mag dahan dahan kang mag drive."inis kong sabi sakanya

Tumawa siya dahil sa sinabi ko "Edi mahahabol tayo ng mga kalaban."sagot niya sa akin. Ang bobo mo talaga krisz! Malamang magpapabilis siya ng drive dahil hinahabol kami ng mga kalaban.

"Aishh!"inis kong sabi at pumasok nasa shotgun seat, isinandal ko na lang ulo ko para di na ulit makaramdam ng pagkahilo

Nakita kong pumasok na rin si Leo sa driver seat "Your cute when you are mad."rinig kong sabi niya sa akin

Irrevocable Feelings (Mafia Series 1)Where stories live. Discover now