Krisz Pov*
Pagkababa ko ng eroplano ay kaagad bumungad sa akin ang malamig na simoy ng hangin dahil lagpas hapon na kami nakarating
"Woh! Nandito na ulit tayo."pahayag ni Drix na ngayon ay nasa likod ko, susunduin kami ng bus na maghahatid sa amin sa headquarters para sa huling report namin .
"At na dagdagan na ulit ng gwapo rito sa Pilipinas."dagdag ni Jazzer kaya naka abot siya ng batok galing kay Valin "Aber saan? Hindi ko makita paki turo nga."saad ni Valin
At paulit ulit na naman ang naging bangayan nilang dalawa. Hanggang sa makapasok kami sa loob ng bus ay ganoon pa rin ang setup nila.
Madali naman kaming nakarating sa headquarters at kaagad na nag report kay Major Cardigama. Hindi na kami nagkausap dahil may meeting pa raw siyang hahabulin kaya nagmamadali.
"Cap uuwi ka kaagad sa Davao?"tanong ni Drix sa akin, sabay kaming lahat na naglalakad patungo sa parking lot
"Hindi, may kasal pa kasi akong pupuntahan."sagot ko sakanila
"Owss, pwede mo ako isama Cap?"tanong ni Drix kaya binatukan siya ni Alex "Gago hindi ka na nahiya."inis na saad ni Alex
Kaya nag peace sign naman si Drix sa akin "Hindi ka pwedeng isama doon baka maubos mo lahat ng pagkain sa kasal."pambibiro ko kaya natawa naman sila habang si Drix ay napakamot sa likod ng ulo niya
Nakarating na kami sa parking lot, kaya sinabit ko sa katawan ko ang traveling bag. Bali dalawa na ang nakasabit sa katawan ko, magmo-motor kasi ako
"Gusto mo bang ihatid kita?"offer ni Alex pero tinaggihan ko ito "Nah, I'm fine lex."sagot ko sakanya at umangkas na sa motor
Bago ko sinuot ang helmet ay nagpaalam ako sakanila "Mauuna na ako, magingat sa pagmamaneho."paalala ko sakanila
"Aye aye captain!"sabay nilang sabi at ikinaway ang mga kamay nila kaya sinuklian ko sila ng ngiti
Sinuot ko na ang helmet at inis-start ang motor. Kaagad ko itong pinaharurot palabas ng parking lot.
Pagkauwi ko ay kaagad akong lumapit sa clerk ng condo. "Excuse me sir, meron po bang nagpadala ng letter or kahit ano para sa akin?"tanong ko sa clerk
Inangat niya ang tingin niya at ngumiti ng malawak "Ano pong door number ma'am?"tanong niya pabalik sa akin "Door 117."sagot ko naman
Naghintay ako ng ilang sandali dahil tiningnan niya pa sa computer "Yes ma'am, nung isang araw lang po naibigay. Ito po."saad niya at ibinigay sa akin invitation card.
Binuksan ko ito at masasabing maganda ang pagkakagawa ng invitation at ginastusan ng mahal. Ito na nga ang sinasabi na invitation ni Bella.
Bukas kasi ay magkikita kami ng barkada. Sa susunod na linggo pa siguro ako uuwi ng Davao kasi iyon ang sinabi ko kay Tita. Gusto ko pang makapagpahinga rito sa Manila.
Dumiretso na ako sa elevator at doon ipinagpatuloy ang pagbabasa sa invitation card.
Biglang bumukas ulit ang pinto ng elevator pero di ako nag angat ng tingin. "Excuse me miss?"rinig kong tanong ng lalaki
Kaya nag angat ako ng tingin at kinunotan siya ng nuo "Uhmm..anong floor ang room two hundred?"diretso niyang tanong
Medyo naitagilid ko ang ulo ko dahil sa tanong niya, mukha ba akong clerk? Hindi ba siya nagtanong kanina sa baba? Pero sinagot ko pa rin ang tanong niya "It's in the tenth floor."sagot ko, sinuri ko ang buong mukha niya and I can sense that this guys is dangerous.
Kahit nagtatanong lang siya ay di ko maiwasang mangamba. Don't blame me, marami akong naging kalaban sa mafia world tapos trabaho ko pa ay sundalo.
![](https://img.wattpad.com/cover/226885665-288-k138758.jpg)