Krisz Povs*
Kasalukuyan kaming naghihintay rito sa conference room dahil sinundo pa ni Colonel ang Alpha team para maipakilala na sa amin. Panay naman ang salita ni Valin
"I am so very excited cap, dahil sa wakas ay mami-meet na rin natin sila."saad ni Valin at parang kinikilig pa
"Umayos ka nga Valin hindi bagay sa iyo."sita ni Jazzer and I smell something fishy "Wala akong pakialam basta makilala ko lang ang Alpha team."sagot ni Valin
"Hanggang tingin ka lang dahil may mga girlfriend na ang mga iyon."sagot ulit ni Jazz aakma pa sanang sumagot si Valin ay biglang bumukas pinto.
Kasabay nun ang pagpasok ni Colonel at lima pang nag gwa-gwapohang mga lalaki. Ang pinakahuling pumasok ay di ko inaasahan, yung lalaking hambog! Tangina mukhang yari talaga ako nito.
Nakita kong kaagad silang tumayo pero ako ay alanganing tumayo, tinabunan ko rin ang mukha ko gamit ang buhok ko. Wala na talaga akong kawala, ay bahala na ikaw Lordie. Tutal nasa tama naman talaga ako kanina, kaya ko toh!
Sumaludo kami sakanila at ibinaba na. kahit di ko gustong iangat ang mga tingin ko ay wala akong magagawa. Ayaw ko namang mapahiya noh! Naglinya sila sa harapan, lahat kami ay halos mapatulala sakanila pero pilit kong pinapatigas ang mukha ko.
Ngumiti si Colonel sa aming lahat "Alam kong ito na ang pinakahihintay ninyong lahat. Ang makilala ninyo ang isa't isa dahil baka sa susunod na mga malalaking mission ay magsasama ang nga grupo ninyo."mahabang sabi niya, diretso pa rin ang tingin ko at pilit itinatago ang emosyon ko. Kita kong nilibot ng lalaking hambog yung paningin niya, ng dumako ito sa akin ay nakagat ko ang pangiba ibang labi ko. Nag smirk siya at tumiim ang bagang niya.
"So please introduce yourself gentlemen's."huling sabi ni Colonel at tumabi sa isang gilid.
Unang nagpakilala ang lalaking may nunal sa may panga " I'm Major Demetri Sandoval and I guess it is nice to meet you."pagpapakilala niya, tiningnan ko si Valin kita sa mukha niya kilig kaya napa iling na lang ako.
Sumunod naman ay yung lalaking may hikaw sa kaliwang tenga "Hello I'm Major Angelo Xaiden Cruz."maikli niyang pagpapakilala at ngumiti ng kaonti. Sumunod ang lalaking may tatoo sa braso isa iyong roman numerals 'XVIII' number eighteen to be exact. "I'm Major Damien Sandoval and I am the twin of that guy."pagapapakilala niya rin at itinuro si Demetri kaya pala medyo magkamukha sila.
Ang sumunod ay yung lalaking naka pulang tshirt "I'm Major Elexier Reeve Vega and it is my pleasure to meet you team Bravo."pagpapakilala niya at ngumiti ng buo sa amin lalo naman naglupasay sa kilig si Valin pero di naman niya iyon pinapahalata masyado. Nakita kong lalong sumimangot si Jazzer mukhang nagseselos ang gago ayaw lang aminin.
Ang huling nagpakilala ay yung lalaking hambog bago siya nagsalita ay nagkatitigan pa kami pero umiwas kaagad ako, nag smirk naman siya "And lastly I am the leader of the team Alpha I'm Major Zachary Aizen Avida. Its my pleasure to meet all of you."pagpapakilala niya at naka tingin lang siya sa akin habang nagsasalita siya. Putspa natutunaw na ako sa mga titig niya
"Ngayon nakilala niyo na ang Alpha team ngayon kayo naman ang mag pakilala team bravo."pahayag ni Colonel pero bago pa makasalita si Drix ay nag salita yung Major Zach "Napaka bait ng Team bravo Colonel, at hanga na ako sakanila."saad niya kaya kinabahan ako pero wala na akong magagawa kung isusumbong niya ako. Nakita kung nagtaka si Colonel pati na rin ang mga kasamahan niya.
"Na meet mo na ba sila bago kayo dumating rito?"nagtatakang tanong ni Colonel kay Major Zach na ngayon ay matamaan na nakatingin sa aming dalawa ni Alex.
Huminga ako ng malalim bago buong lakas akong nakisabat sa kanila "Yes sir, we've meet a while ago and we've got nice talk."buong tapang kong sabi sakanila pero hindi naman nagbago ang ekspresyon ni Major Zach, tsk