Krystal Povs*
Ang huling nakita ko lang ang ay si ate, na nakaluhod dahil natamaan siya ng bala at nakita ko kung paano tumulo ang isang butil ng luha sa mga mata niya. Before her eyes close I can see the sadness and dissapointment to herself.
Kaya pagmulat ko ng mga mata ko ay ramdam ko kaagad ang pamamanhid ng braso at kamay ko. Pagkatapos kasi kaming makasakay sa kotse ay pina amoy nila kami ng pampatulog oh diba pang pelikula ang peg ng mga kidnappers na'to.
Nakatali kasi ang mga kamay ko pataas kaya ang ending parang nasa monkey bars lang ang peg ko rito, habang si Micah ay nasa upuan nila itinali. Diba ang unfair lang nila, tch.
"Psst! Micah..."mahinang tawag ko pero ayon prente pa ring natutulog tung bruhildang toh kahit nakidnap na di pa rin gumising kaya inilibot ko muna ang paningin ko sa loob ng kwarto. Hula ko nasa abandoned building kami? O sa isang building na di pa natatapos ang construction?
Bukod sa amin ay wala ng kagamitan pati na nga rin bintana eh wala. Kaya tinawag ko ulit si bruhilda "Hoy gising na!"medyo pasigaw ko ng sabi pero di pa rin kaya naisipan kong sipain ang upuan niya.
Nakita ko na naalipungatan siya at sinimulan ng imulat ang mga mata niya "N-nasaan tayo?"takang tanong niya kaya napaikot lang ang mga mata ko oh diba ang maldita ko noh, chour mabait naman talaga ako baka di pa lang kami palabasin ng buhay ni Lord rito.
"Malay ko, itatanong ko muna sa mga kidnappers natin ha."sarkastiko kong sabi pero tinawanan lang niya ako "Kidnappers? Di yun mga kidnappers, mga mafia yun boba!"sagot niya oh diba meron pang isang maldita na nandito, grabe naman maka sabi ng boba tung babaeng toh.
Pero ano? Mafia?! Ok, ok alam ko na may koneksyon ang pamilya namin sa mafia pero ito pa lang ang unang beses na kinidnap ako ng mafia at haler uso pa pala yun?
Natawa na lang ako sa naisip ko "Mics ito ang unang beses na nakidnap ako ng mafia pero uso pa ba iyon?"tanong ko sakanya at hindi naman makapaniwala ang tingin niya sa akin "krys kung sa iisipin mo ng maayos makikidnap ka ba ngayon kung di uso ang pangingidnap sa mafia. Like haler ate mo ang isa sa pinakamagagaling na tauhan ng mafia and second kasama mo kaya ang Mafia Princess."mahabang sabi niya
"Mafia Princess? Saan? Ikaw?"dire diretsong tanong ko at tumango siya "The freak! Dapat ba akong gumalang sa iyo?"tanong ko ulit pero tinawanan lang niya ako
Ahhh so si Ate ang isa sa pinakamagagaling sa mafia, cooollllllll with an ellll! Tapos si Micah ang mafia Princess so si Kuya Zach ang Mafia Prince ibig sabihin siya ang tagapagmana ng Mafia nila. What the eff!
Okay relax ka lang krys, mamaya mo na iyan isipin dahil kailangan niyo munang makatakas rito.
"Ang baho at ang init naman rito, kailangan na talaga nating makaalis sa putang lugar na to."inis niyang reklamo kaya napaangat ang isang kilay ko "Edi magisip ka ng paraan!"saad ko
Nakita kong sinusubukan niyang tagalin ang kamay niya mula pagkakatali pero di parin siya nagtagumpay "Pwede bang tumulong ka ri naman."utos niya sa akin kaya natawa ako "Paano naman kita tutulungan eh parehas namang nakatali tayong dalawa."nang iinis kong sagot sakanya kaya ayon nakatanggap ako ng masamang tingin.
"Fine this is just basic."saad ko kaya napatingin siya sa akin at nginitian ko siya ng nakakaloka, kumapit ako sa bakal kung saan ako nakatali at sabay angat sa sariling katawan ko. Ipinatong ko ang isang binti ko para makaakyat sa bakal, nang makaupo ako sa ibabaw ay ginamit ko ang mga ngipin ko para matanggal ang tali hindi naman kasi ganoon kahigpit ang pagkakatali sa akin.
Tch. Akala siguro nila hindi mautak ang kapatid ng isang Kriszaith Sapphire. Mabilis akong bumaba sa bakal at ngumiti ng matagumpay kay Micah.
"Pwedeng kalagin mo na tung taling toh dahil ang higpit ng pagkakatali ng mga impakto sa akin."utos niya grabe naman maka utos tung babaeng toh "Sabihin mo muna na, please master."nangiinis kong sabi "Krystal!"