Chapter 16

0 0 0
                                    

Krisz Povs*

Bago lang ako nagising dahil pagkatapos na gamutin ang sugat ko ay nakatulog ako. Nakadungaw lang ako sa bintana ng eroplano habang tinatanaw ang payapang asul na langit. We are heading now back to Manila, dahil trinack ito Inah. At nandito rin silang lahat wag niyo akong tanungin kong paano nakarating ang mga bruha at nakasakay rito sa eroplano. Tama flex ko lang rin na nasa private airplane kami ni Zach, oo ganoon kayaman ang gago.

Sila tita naman ay nagstay sa Davao parin kaso sa bahay na nila Makoy kaya alam kong ligtas sila roon and I trust my cousins.

Napabalik ako sa ulirat ko ng maramdaman kong may umupo sa tabi ko, hindi na ako nagabala pang tingnan siya dahil pabango pa lang ni Bella alam ko na.

Sinulyapan ko siya at nakita kong nag iinat ng katawan kaya napataas ang kilay ko, hindi ba niya nakikita na wala ako sa mood ngayon. Ibinalik ko na lang ang tingin ko sa bintana.

"Krisz do you trust your sister as well the sister of Zach and of course us?"biglang tanong niya, pero para sa akin parang di tanong yun ah it feels like its a statement?

Napabaling ang tingin ko sakanya "You know the answer."mahinang sabi ko napabuntong hinga naman siya at hinawakan ang kamay ko "I take that as a yes..."

"Alam mo naman siguro na hindi ako magaling magpayo well sa pagplaplano oo. Pero sige bibigyan parin kita dahil bestfriend kita."seryosong sabi niya, ilang segundo ang lumipas ay sabay kaming natawa "Oh diba ang lito ko kausap noh."

"Trust you sister okay? Alam mo naman na di iyon magpapatalo kaagad lalo't na kasama niya ang kapatid ni Zach. And WE are going to save them, nandito kami para tulungan ka."pahayag niya

Oh God's, I'm so lucky to have this girl. Kahit isang simpleng payo lang ang sinabi niya ay nakapagpalakas ito ng loob ko "You train your sister right? So trust her."dagdag niya kaya di ko napigilan ang sarili ko para yakapin siya.

Matapos naming magyakapan ay binigyan ko siya ng matamis na ngiti "Thank you, someday ako naman ang tutulong sa inyo."saad ko pero ginulo niya lang ang buhok ko "Ano ka ba! Ikaw kaya ang bunso namin, payakap nga ulit."natatawang sabi niya

Yumakap ako sakanya pero hindi pa nga umabot ng ilang segundo ay may dumamba rin sa amin "Hoy! Ba't di niyo kami sinali sa group hug niyo ha."inis na bulyaw ni Katrina at nakiyakap na rin sila.

Matapos ang yakapan ay nagsalita si bella "Okay let's do this team!"pahayag niya at tumayo na kaya nakisabay na rin ako sakanila, kailangan kong malaman kung ano ang mga kilos namin.

Umupo si Inah sa isang upuan na may kaharap na tatlong monitor, si bella naman ay lumapit sa table na may mga blueprints at si katrina ay busy sa pangangalikot ng kung anong gadget sa eroplano kaya nilapitan ko siya.

Paglapit ko ay nginitian ko siya "Musta?"tanong niya "Okay lang?"di ko siguradong sagot kaya sabay kaming natawa

"Pero infairness ka ha! Swerte mo sa jowa mo, sundalo na nga piloto pa. Pak na pak."saad niya at hinampas pa ako sa braso, tatawa na sana ako ng marealize ang sinabi niya "Paki ulit nga ng sinabi mo"sabi ko dahil si Zach ang nagmamaneho ng eroplano?!

Tinarayan niya ako ng tingin "Tsk! Puntahan mo ang pilot's deck para ma sigurado mo."kaya mabilis pa sa alas kwatro ang takbo ko papunta roon, pagbukas ko sa pinto ay halos di ako makapaniwala sa nakita.

Katrina is right, nagmamaneho nga siya at ang co pilot niya ay si Leo. Hindi nila ako napansing dalawa kaya sumandal ako sa hamba ng pinto.

Mga ilang minuto pa ng mapansin ako ni Leo "Hey."bati niya sa akin kaya napalingon rin si Zach sa gawi ko, nagtitigan lang kaming dalawa hanggang sa magsalita si Leo "Kung gusto niyong mag usap libre ang pinto na naka bukas na."saad niya kaya sinamaan siya ng tingin ni Zach at ako naman ay natawa. Tumayo na si Zach kaya nauna na akong nag lakad.

Irrevocable Feelings (Mafia Series 1)Where stories live. Discover now