Chapter 10

0 0 0
                                    

Krisz Pov*

Dumiretso kami sa parking lot? "Ep ep ep, saan pala tayo pupunta akala ko ba ay maguusap lang tayo?"tanong ko sakanya

"Maraming disturbo rito."sagot niya at pumasok sa kotse ganoon rin ako "At saan mo naman ako dadalhin aber?"

Napatigil siya sa pag start ng kotse "Ewan? Hind----"di ko siya pinatapos pa "May alam akong lugar, I'll teach you the direction."sagot ko at ibinaling ang tingin sa bintana.

Nakarating naman kami kaagad sa restobar kasi alam ko dito mas makakapag usap kami ng maayos. Pagmamay ari kasi ito ni Jazzer and his restobar got a private room para sa mga umiinom kaya mas komportable ako.

Nauna akong pumasok sa loob at kaagad dumiretso sa counter kung nasaan si Jazzer. Kasalukuyan siyang nakatalikod sa akin dahil busy siya sa pagmi-mix ng alak, paminsan minsan kasi ay nagba-bartender siya dito sa mismong sariling bar niya.

Umupo ako sa isa sa mga upuan, kasi di pa niya ako nakikita. Kahit puro mga kalokohan ang alam niya ay maalam naman siya sa negosyo. Itong restobar nato ay importante kay Jazzer he inherit this to his late father.

"Uy cap! Nandito ka pala...hula ko hard drinks?"bati niya sa akin pero tinawanan ko lang. Sasagot na sana ako ng biglang magsalita si Zach sa likod ko.

"Ito ba ang pinunta natin dito?"naiinis na sabi niya, here we are again with his mood swings. Hindi ko na lang siya pinansin "Nope, I'm not here to enjoy. Can I borrow your private room?"tanong ko kay Jazzer

"Ikaw pa ba? Sure, it's my treat."masiglang sagot ni Jazzer kaya napangiti ako at nakipag fist bomb sakanya. Regular customer niya kasi ako and syempre magkatrabaho kami.

Nauna kaming maglakad ni Jazzer sa second floor "Are you two dating?"mahinang bulong ni Jazzer sa tenga ko, pinanliitan ko siya ng mga mata.

"Wag mong ipagkakalat talaga nakasama ko si Zach, kundi patay ka talaga sa akin."mariing banta ko sakanya, ngumisi naman siya sa akin "Wow! First name basis na pala kayo."

Huminto na kami ng lakad sa harap ng isang pinto "Papadalhan ko na lang kaayo ng inumin."pahayag ni Jazzer at naroon pa rin ang mapaglarong ngiti sa labi niya, kung wala talaga akong kasama baka kanina ko pa siya nasapak.

Nabigla ako ng maramdaman ko ang braso ni Zach sa beywang ko. Nakita kong bumaba ang tingin ni Jazzer sa braso ni Zach, mas lumawak naman ang ngiti nito.

"Just send us beer... and don't try me Jazzer."saad ko sakanya at pinanlakihan siya ng mga mata, kaagad namang tinaas niya ang dalawa niyang mga kamay.

"Hindi pala nagde-date ah."mahinang bulong niya pero rinig ko naman, kaya sinamaan ko siya ng tingin. Kaagad naman itong tumakbo.

Pumasok na ako sa loob pero pinigilan ako ni Zach "Sino yun?"tanong niya peri sinamaan ko lang siya ng tingin at tuluyan ng pumasok sa loob.

Dumiretso ako ng upo sa couch at naka dekwatro na umupo. Sa gitna ay meron isang glass table at nakabalibot ang malaking couch na inuupuan ko.

Nanatiling nakatayo si Zach sa harapan ko kaya tinaasan ko ng kilay "Hindi ako uupo kung hindi mo sasagutin ang tanong ko."pagbabanta niya

I chuckle "Really? Then don't sit."simpleng sagot ko sakanya. Nakita kong umawang ang labi niya. Gusto kong tumawa sa itsura niya pero pinigilan ko lang.

"Damn! Your making me insane. Halos hindi ka na maalis sa isip ko nung umalis ka. Kung nakauwi ka ng maayos? Kung naka alis ka na ba ng Australia. My head will explode just thinking of you!"inis niyang bulyaw sa akin.

Lies. Lies. Sa tingin niya maniniwala ako? Kaya puso kumalma ako at makinig sa utak ko. Tumayo ako at lumapit sa kanya "Hindi ko naman inutos sa iyo na isipin mo ako."tinagilid ko ang ulo ko "Eh bakit kayo nag halikan ng babaeng mukhang coloring book?"

Irrevocable Feelings (Mafia Series 1)Where stories live. Discover now