Krisz Pov*
Kanina pa kami ni bella na kinakamot ang mga mukha namin. Naka make up kasi kami para sa wedding ni ate bianca at kasalukyan ng nagsisimula ang seremonya.
Dahan dahang bumulong si Katrina sa amin dahil napapagitnaan namin siya ni bella "Please stop doing that para kayong nilalamok."inis na sabi niya
"Magtiis na lang kayo ng kaonti malapit namang matapos. Sa reception niyo na tagalin."dagdag pa ni Inah
Hindi talaga ako sanay na mag make up but for ate bianca ay nagtitiis ako, nakakahiya naman kung di ako maging presentable sa kasal niya.
"Shit."mahinang bulong ko dahil sobrang kati na talaga at di na rin mapinta ang mukha niya "Nandito tayo sa simbahan bawal mag mura."bulong ni Inah sa akin at kinirot ako sa tagiliran
Tung babaeng toh kung di lang talaga makati tung make up kanina ko pa ginantihan. Napagat na lang ako sa labi ko at mahinang pinaypayan ang sarili ko gamit ang kamay ko.
"You may now kiss the bride."sabi ng pari at naghalikan naman ang mag asawa. I can see in their eyes the love for each other.
Sinulyapan ko si bella at nakita kong medyo na iiyak siya pero kita ang kasiyahan sa mukha niya. Rinig ang mga palakpakan ng tao sa simbahan at mga kantyaw nila sa bagong kasal.
Kaagad kaming umalis sa simbahan para dumiretso sa hotel para sa reception. Nasa isang kotse lang kaming tatlong habang si Bella ay sumabay sa mga magulang niya.
Pagdating namin sa hotel ay kaagad akong bumaba at kamamot na naman ako sa mukha ko. Linibot ko ang paningin ko, this is a five star hotel hindi na ako magugulat dahil may kaya naman sila bella at meron namang successful na trabaho si ate bianca.
"Magc-cr muna ako dahil kanina pa ako kating kati sa mukha ko."pagpapa alam ko sakanila at tumango naman sila pero ako maka alis ay binigay sa akin ni Katrina ang isang pouch "May wipes diyan."sabi niya sa akin
Kaagad ko iyon tinanggap at dumiretso na sa rest room ng mga babae. Tumingin ako sa salamin at kumuha ako ng wipes para ipunas sa mukha ko. Nang matapos na ako ay lumabas na ako, halos naka limang hakbang pa lang ako ng biglang mag ring ang cellphone ko.
Kaya dali kong hinanap ang phone ko sa sling bag ko at patuloy pa ring naglalakad. Sa di inaasahang may nabungo akong isang poste este tao, halos natapon ang laman ng sling bag ko pati na rin ang pouch ni katrina.
Patuloy pa rin sa pag ring ang cellphone ko kaya ito sinulyapan ko ito 'Kristal' ang nakalagay sa caller id. Kaagad kong linuha ang phone ko at sinagot ito.
Inilagay ko ito sa tenga ko habang ang isa kong kamay ay busy sa pagpasok sa mga nahulog na gamit, mabuti na lang ay tinulungan ako ng nakabangga ko. Susulyapan ko sana siya ng nagsalita si Kristal.
"Ate kailan ka ba uuwi pa?"inis na sabi niya laya di ko napigilan na mapangiti
"Next week pa baby, please just give me a break here in Manila."pambibirong sagot ko at inayos ang pagkakasablay ng sling bag ko sa balikat.
Tumayo na ako at medyo yumuko ng harap sa nakabangga sa akin "I'm very sorry hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko."hingi ko ng patawad at yumukod ulit
Tumalikod na ako "Bini-baby mo naman ako! Hindi mo ako madadaan sa mga ganiyan mo ate."sagot niya kaya natawa ako
"Gusto mo naman eh."sagot ko at tumawa "Tsk! Basta ate pasalubong namin ha, wag mo kakalimutan."
"Yah yah, whatever aly."medyo inis kong sagot, tung kapatid ko talaga mas inuna pa ang pasalubong kesa sa kamustahin ako.
"Babye ate kriszy! Mag iingat ka diyan, love lots."huling sabi niya at pinatayan na ako ng tawag