Krisz Povs*
Lahat ay bumalik nasa dati, nagkaayos na rin kami ni Tito Zanjo at masasabing nasa ayos na kami. Ang barkada naman ay nagkayayaan na mag outing sa susunod na araw but before that ay ihahatid ko pa si Tita sa Airport kasama ko ngayon sina Anton at Krystal, may trabaho pa kasi sina Makoy at
"Mag iingat kayo ha? Lagi niyong tanda---"pinutol ni Anton ang mga sasabihin pa ni Tita "Ma lagi naming tatandaan yan, malaki na kami at kaya na naming alagaan ang mga sarili namin."putol ni Anton
Ngumiti ako kay Tita "Wag niyo na kaming isipin dahil magiging okay lang po kami atsaka pwede naman tayong mag skype."dagdag ko bago sulyapan si Krystal na ngayon ay naiiyak na.
Napabuntong hininga na lang si tita "Basta mag iingat kayong lahat rito, mahal na mahal ko kayong lahat pakisabi na rin iyan sa mga kuya niyo."saad ni Tita at yinakap kaming tatlo, I will always miss tita pero syempre hindi naman ako ganoon ka selfish para pigilan si Tita. She desrves this, and I'm happy dahil magkasama na sina tito at tita sa Canada, mapapanatag na rin ang loob ko dahil alam kong safe siya doon
"Ma I will gonna miss you."Krystal said between her cries, mama na kasi ang tawag ni Krystal kay tita dahil ito na ang kinalakihan niyang ina pero hindi naman rin ako tutol roon.
Ngumiti ako at hinawakan ang kamay ni tita "Mamimiss ko rin ang mga luto mo tita, mag iingat ka roon palagi."paalam ko at pinigilan ang sarili na wag umiyak, ganoon rin si Anton.
Siguro ganoon talaga lahat ng bagay---tao ay aalis o darating ang panahon na kailangan na talaga nilang mamaalam sa atin and all we just need to do is to let them go. Kasalukuyan ay minamaneho ko ang motor ko patungo sa bahay nina Zach doon ko na rin balak mag lunch tutal Sunday naman ngayon. Si Krystal ay may lakad kasama si Micah habang si Anton ay may lakad rin kasama ang tropa niya.
Mabilis lang akong nakilala ng guard ng subdivision nila kaya mabilis akong nakapasok sa ilang beses ko ng labas masok rito, pagpasok ko sa malaking gate nila ay mabilis kong ipinarada ang motor ko sa entrada nila.
Sumalubong kaagad sa akin ang mayordoma na si Manang Bebs "Young Mistress."bati niya at yumukod "Manang hindi niyo na po kailangang yumukod, I will just gonna ask where is Zach?"tanong ko sakanya masyadong malaki ang bahay nila para hanapin ko ang ugag na iyon atsaka asa rin siyang hahanapin ko siya, charurot "Nasa garden po siya kasama si Maam Cindy."sagot ni Manang na ikinataas ng kilay ko "Who's Cindy."diretsa kong tanong sakanya "Balita ko kina Nyeves anak siya sa isa sa mga ka business partner ni Sir at kasapi rin siya sa mafia."sagot niya, lahat kasi ng trabahante rito ay aware sa mafia thingy o kaya ay may kaugnayan sa mafia.
"Thank you manang, siguro dapat ko na silang puntahan baka kasi sobra na silang nage-enjoy."nakangitin kong sabi bago umalis at tinungo ang sliding door para makapunta sa garden nila.
Tanaw ko sila mula rito sa pool na ang kasunod na ay ang garden kung saan sila nag uusap at ang hitad ay grabe maka kapit sa braso ng fiancée ko. Tung ugag naman to walang ginawa kundi magpahawak sa hitad mukhang gustong gusto nga pa nito. Napaikot na lang ang mga mata ko sa inis, Krisz kumalma ka! Nakakabawas ng beauty ang ma stress. Proud na proud akong naglakad patungo sakanila ramdam ko rin na tinangay ng hangin ang maikli kong maalon along buhok.
Peke akong ngumiti sakanila bakas rin sa mukha ni Zach ang medyo pagkagulat "Hi guys ba't hindi niyo naman ako ininvite."pahayag ko bago umupo sa kaliwa ni Zach bali napapagitnaan namin siya ngayon.
"Sino iyan Zach?"tanong ni hitad at maarteng tiningnan ako "Is that your P.A?"dagdag niya na ikinaawang ng bibig ni Zach maski rin ako, nakakarami na ng pangiinsulto tong babaeng toh ha?! Sa damit kong toh pang P.A?
Kinuha ko ang juice na nasa tapat ni Zach at sumimsim roon "Zach sabihin mo sakanya kung sino ako sa buhay mo."kalmadong saad ko kahit gusto ko ng sapakin ang hitad na ito at itulak sa pool, kaso baka masabihan pa lang tayo na walang class nakakahiya naman sa bwesita natin.
