Chapter 20

0 0 0
                                    

Krisz Povs*

Iniwan ko ang sniper ko at mabilis na sumunod kay Kwatro "The explosion came from the location of Uno."pahayag niya at mabilis ngunit maingat na tumakbo. Nagtago kami sa isang poste ng building at zero visibility sa kapal ng usok.

"Anyone who can hear me?"tanong ni Kwatro pero walang sumagot, tumingin ako sa kaliwa ko at nahagilap kong may bangkay roon kaya lumapit ako at nakita kong may baril, mabilis ko itong dinampot at isang magazine nalang natitira sa bala.

Naghand-signal ako may Kwatro na dito ako dadaan sa kanan habang siya ay sa kaliwa, nakita kong tumango siya bago itaas ang hawak niyang baril.

Pagpasok ko sa mismong building ay kita ang talaga ang epekto ng pagsabog pero ang mas nakakagulantang sa akin ay nakikipaglaban silang apat kasama ang iba pa sa mga kalaban. Una kong nakita ay si Katrina na nahihirapan sa na makawala sa kalaban, na kasalukuyang sinasakal siya.

"Sorry I'm late bitch."pahayag ko at sakto namang lumingon ang lalaki ay sabay ring pagputok ko sa baril and note sa mukha para sure ball.

Kinuha ni katrina ang kutsilyo sa beywang ko at itinarak sa dibdib ng nakahandusay na lalaki "Nyeta ka! Mamatay ako ng maaga dahil sa iyo."saad ni katrina bago ako binalingan ng masamang tingin "At ikaw naman, ang tagal niyo namang rumesbak."dagdag niya

"Sorry po madam."sagot ko at nag bow pa ng kaonti "Taray! Halika na nga marami pa tayong patutumbahin."huling sabi niya bago sinuntok ang nasa gilid ko, hindi ko pala namamalayan na meron ng kalaban.

Mabilis na rin akong kumilos dahil sunod sunod na ang mga kalaban na dumarating, putcha parang di sila nauubos. Sinipa ko ang tagiliran ng isa bago sinuntok sa mukha, ubos na kasi ang bala ng baril ko.

Salag, yuko at suntok lang ang paulit ulit kong ginagawa. Hanggang sa napaatras na lang ako dahil sa pagod, ramdam kong may nabangga ako sa likuran ko kaya napalingon ako. Si bella pala iyon at ang iba pa, napapalibutan na kami ng mga kalaban at kaming lahat ay nasa gitna.

"What's the plan Zach?"tanong ni Leo kay Zach na ngayon ay nakakunot ang nuo at ganoon rin ang iba pa "Masyadong parami sila at marami na ang napuruhan sa mga units natin."saad ni Katrina

"Will wait."maiksi niyang sagot "Ano?! Kailangan pa natin patayin yung mga boss nila tapos maghihitay lang tayo rito?"di makapaniwalang sabi ni Inah, kahit ako rin naman marami ang nakapalibot sa amin at masyado na ring napuruhan ang iba pwera na lang kung merong backup? Kung meron nga.

"Just follow the orders Kwatro."sagot ni bella na nasa likuran ko "Putcha sana naman gumana ito."rinig kong bulong ni Inah

"Ibigay niyo na ang kaya niyo."utos ni Uno at itinaas ang baril niya, ganoon rin ang iba pa kaya inilabas ko ang bow ko dahil yun na lang ang meron kong sandata.

"Kailangan natin makipaglaban habang naghihintay sa backup."saad ni Leo at kita kong nagsisimula ng dumilim ang mukha niya, at mukhang tama nga ako dahil may backup ngang darating pero ang tanong sino?

"We will divide into two, Me, Tres and Uno ang hahanap sa mga boss nila. The rest will cover up at maiiwan rito, understand?"mabilis na paliwanag ni Zach kaya tumango kaming lahat, papalapit na rin ang mga kalaban dahil hindi na kayang ma hold ng nasa harapan ang mga kalaban.

"Execute it now."dagdag ni Zach kaya mabilis na akong tumakbo at pinatamaan ang lahat ng mga kalaban na humaharang sa akin. Nag slide ako pababa ang mabilis na nag summon ng arrow patama sa paa ng isang lalaki, kasabay rin nun ang pagtalon ni Zach sa taas at sinaksak ang lalaki.

"Doon tumakbo si Rodriguez kasama ang isa pang lalaki."turo ni Uno sa isang malaking pinto, pagpasok namin ay ang silid ay puno ng mga armas mula espada hanggang mga baril.

Irrevocable Feelings (Mafia Series 1)Where stories live. Discover now