Chapter 9

57 15 1
                                    

Chapter Nine

Bumuntong-hininga akong pumasok sa loob ng kotse. Wala eh, ayaw niyang sumakay edi, bahala na nga siya. Why would I even convince him, di'ba?

"Tara na po, Kuya."  Sinandal ko ang aking balikat sa bandang bintana ng kotse at pinanood ang bawat dinaraanan namin. At this moment, while staring at the view outside, I feel like a main character that just had her tragic conflict minutes ago. Mabagal lamang ang pagda-drive ng driver dahil madulas ang daanan. Namataan ko naman ang malaking hakbang ni Ryden sa di kalayuan.

Ang kaninang maitim na langit ay biglang bumigay. Malakas ang buhos nu'n at bigla ko nalang naisip si Ryden! Walang masisilungan dito dahil wala masyadong bahay! Sisinyasan ko na sana ang driver ng bigla itong huminto at binuksan ang bintana.

"Hijo! sumakay ka nalang! ang lakas ng ulan oh, baka magkalagnat ka pa,” tugon niya rito.

"Okay na po ako, maliligo nalang ako ng ulan."

What? I rolled my eyes midair. Ang arte. Tapos ano? paano pag lalagnatin siya edi ako ang sisisihin niya? I know it's not my fault because I wasn't even capable of stopping the rain pero what if lang di'ba? Gosh, ang arte niya! Ang tigas ng ulo nitong si Ryden.

"Hey! sumakay ka nalang pwede? H'wag ka na ngang pa-hard to get diyan!" ‘di ko na napigilan kaya nasigawan ko na siya.

Halatang gulat siya sa ginawa kong pagsigaw because I saw it in his face. He stopped for a second pero in the end, pumasok pa rin naman iyon nga lang, parang may pag-aalinlangan. Tinuro niya ang direksyon na patungo sa kanila. Medyo malapit lang nga sa amin, pero kailangan mo pang dumaan doon sa mga bahay na nagsisiksikan. Nang makarating na kami sa bandang kanila, lumabas na si Ryden at sinulyapan ako at bahagyang ngumiti. Patakbo siyang tumawid sa kabahayan.

Pagkarating ko sa bahay, agad akong nag-shower para hindi ako lagnatin kinabukasan, medyo nabasa kasi ang buhok ko.

"Aye, let's eat dinner na," kumatok si Mommy sa kwarto ko at agad kong sinagot ng:

"Sige po, my."

I just wore a simple printed t-shirt and usual dolphin shorts. Sinuot ko naman ang scrunchie kong ginamit kong pampusod ko sa buhok kanina, sinuot ko iyon sa wrist ko.

"Good evening Ayezza, your mom told me na na-late ka daw ng uwi?" Nasalubong ko si Daddy na nakaupo sa pang-huling upuan ng dining table. It was like a miracle when I saw him again joining us for dinner.

Sumulyap ako kay Mommy na nagsasalin ng tubig sa baso. "Uh, may ginawa kasi akong assignment dad, pero sinundo naman ako ng driver."

"Assignment? Bakit ‘di mo nalang dito sa bahay gawin besides, you have laptop naman na magagamit sa pagre-research?"

Bringing Ryden here at our place? Nakakahiya naman kung aayain ko siya. Baka 'di pumayag. Iyon pa eh hard-to-get nga masyado iyon. That thought made my cheeks turn red.

Ugh, bakit naman nagtatanong pa si dad ng further questions? Hindi ko naman siya tinanong kung bakit dito niya lang din asikasuhin iyong sa business eh meron naman siyang office sa taas?

"Eh kasi po, by pair iyong thesis namin and napagdesisyunan namin na doon nalang sa library gagawin iyon." mahinhin kong sagot.

"By pair? hmm who's your partner, si Arin ba?"

Tumigil ako sa pagnguya ng kanin para sagutin siya. Guilt crept within me. Hindi ko alam kung bakit. "No dad, lalaki po iyong ka-partner ko." Kinakabahan kong sagot, baka kasi mag-iisip sila ng kung ano-ano eh.

"A boy? who's that?"

"Ryden Saldivar po ang pangalan niya."

Napaangat naman ako ng tingin ng marinig kong sabay na bumagsak ang kubyertos nilang dalawa. Napataas ako ng dalawang kilay.

The Living FictionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon