Chapter 22

40 7 0
                                    

Chapter Twenty-Two

Matapos kaming kumain roon ay nagpumilit pa siyang ihatid ako sa amin. Mabuti nalang dahil lumipas ang isang oras ay tumila rin ang ulan. Kaya naman ay hindi na kami nahirapan pa ni Ryden na mag-abang ng taxi pauwi. Hindi ako makatanggi sa kaniya kaya kinabahan ako na baka makita kami ni Mommy. I'm not sure if she's really against of the idea of me being with some guy but I remember her warnings just few months ago. Kahit naman anong iwas ko kay Ryden ay hindi ko kaya. I tried though pero mahirap eh.

It's not that I don't want to obey her. I know that those warnings she told me are for my own sake especially to my heart. Though, I also want to prove to Mom that it's normal for me to do so. I know my limits and I can take care with my heart.

“Uh, thank you for today, I guess?” Humarap ako sa kaniya ng nasa gate na kami.

“Yeah, salamat din. Pahinga ka na agad ah, alis na'ko.”

“Aalis kana agad?” Tsk. Kakahatid niya lang sa'kin eh!

“Bakit? ano pa ba dapat? nabitin ka na sa 'date' natin?” He chuckled.

Inirapan ko siya dahil namumula ako. “Yabang mo talaga, sige na nga umalis ka na.”

“Kaya nga, sabi ko nga, bye.” Mabilis siyang tumakbo paalis at naiwan ako roon sa gate.

I let out a heavy sigh. Kailan ko ba siya makakasama na nakakalma ako? Napahawak ako sa aking dibdib na kanina pang nagka-giyera. Lumunok ako dahil napagtanto kong ang hirap humanap ng timing para umamin.

Pumasok na ako ng mansion ng nakaramdam ako ng lamig. Si ate Mommy agad ang naabutan ko roon sa living area na abala sa pagkukuha ng pictures sa sarili. I noticed something new about her. It was her bracelet and newly dyed hair. Wow, is something going on?

“Anak, nariyan kana pala.” Tinago niya agad ang cellphone niya para bumati sa'kin.

“You bought a new bracelet, Mom?” Napansin ko kasi na kumikinang talaga ang alahas niyang iyon at halata namang kakabili palang nito.

“Oh, yes. Your Dad gave it to me for our anniversary today, nak. Isn't it gorgeous?”

Napangiti naman ako roon. Dad gave her something. So I think they must be doing fine with each other. Oh, how I wish. Gustong-gusto ko na talaga silang magkaayos na and to end all this drama in our family.

“Yes, Mom. It suites you well, po.”

“Thanks, Aye. Tsk. Sabi ko nga dapat binilhan ka rin ng sa'yo na ganito rin ang design para matchy tayo. Hmm, ayon ang binili niya'y ka-size ng kamay niya so it turns out, kami ang matchy.”

“Mom, naman. It's fine. I wouldn't mind and besides it's your moment because it's your anniversary.”

She smiled. “Anyway, you should eat your dinner na. may dinner na akong hinanda diyan kung ginugutom kana. Hihintayin ko lang si Dad mo kasi pauwi na daw siya.”

“Mamaya nalang po Mom, sabay nalang tato.
Medyo busog pa rin naman po ako eh.” Pagtanggi ko. Masyado yata akong nabusog sa kinain namin ni Ryden kanina.

“Oh sige, tatawagin nalang kita sa room mo later.  Magpi-picture pa ako.” She smiled. Napangiti naman ako.

So, stayed in my room for moments at kaagad namang bumungad sa akin ang messages ni Ryden. I bet he's already at home. That night, I chatted with him and before I go to sleep.

Pagulong-gulong ako sa kama ko at pilit na pinapatulog ang gising na gising kong diwa. Kanina ko pa kasi iniisip ang tungkol kay Ryden. Ano na bang nangyayari sa'kin? Araw-araw palala ng palala ang nararamdaman kong kaba kapag kasama siya. Even his gentle laugh is echoing in my head! Aamin ba ako? Kung aamin ba ako ay medyo mabawas-bawasan ang nararamdaman ko? Nakakairita kasi eh.

The Living FictionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon