Chapter Thirty-Two
Labag man sa kalooban ko ay pinilit ko ang katawan ko na kumilos para papasok sa eskwela. Nakatulugan ko na naman ang sarili kong umiiyak kagabi dahil sa dami ng iniisip at ang aking haka-haka na parang may alam si Ryden tungkol sa gulo ng pamilya namin. He disregard it and never even told me about it. Hanggang ngayon ay nandito pa rin sa utak ko ang lahat ng sakit at pagdududa. Sumakit din ang ulo ko kaka-figure out sa lahat ng pangyayari sa libro. Lalo na doon sa pinakitang litrato ni Ashton sa akin at ang pagdududa ko kay Ryden. Ayaw niya mang sabihin, alam kong may tinatago siya sa akin. Wala akong ibang nararamdaman ngayon kundi poot sa kaniya. How dare he!
Pumasok ako sa eskwela nang may dalang bigat sa aking kalooban. Hindi ko mawari kung ano ang itsura ko ngayon basta ang alam ko lang, nakatulala ako habang naglalakad dito sa hallway.
“Arin, palit tayo,” I plead to her.
Nakakunot naman agad ang kilay niya at nagtatakang pinagmasdan ako.
“Love quarrel? ” Mapanuri itong tumingin sa akin. “Iiyak mo lang 'yan Aye, mawawala din iyan.” Dugtong nito sabay tapik sa balikat ko.
Mabuti nama't hindi na siya nakipagtalo sa akin. Nahalata niya siguro ang tulala kong itsura. Hindi naman ganoon ka strict ang rules namin dito kaya ayos lang kapag palipat-lipat ka ng pwesto sa upuan.
Hindi pa dumadating si Ryden kaya medyo nakahinga ako ng maluwag. Hindi ko siya kayang harapin ngayon. Nagbabasa lamang si Arin sa notes niya kaya matatakpan talaga ang itsura niya. Hindi mahahalata ni Ryden mamaya na hindi ako ang naroon. Kagaya ng ginawa ni Arin, nagkukunware din akong nagbabasa ng ano-ano sa notes ko kahit wala naman. Ayaw kong makita ako ni Ryden ngayon.
“Late na naman ako, kainis na Ashton 'to!”
Nakarinig ako ng bumulong sa tabi ko. Si Quinn lang pala na kakarating lang.
“Oh my gosh! Akala ko si Arin! Good morning Aye, bakit diyan ka nakaupo—I mean, uh si Arin diyan di'ba?” she warmly greeted me.
“Basta, ayaw ko lang makita ang katabi ko.” Tanging malamig kong sagot. Tumango-tango lamang ito bilang sagot.
“Bakit ikaw ang nandiyan?” Dali-dali kong tinakpan ang itsura ko gamit ang notebook nang marinig ko ang boses ng taong pinagtataguan ko. Tinaasan naman siya ng kilay ni Arin.
Agad kong hinatak paupo ang nakatayong si Quinn at medyo naintindihan niya naman ang pinaparating ko. Hinatak ko siya para may pagtataguan ako.
“Kasi, wala lang. Sawa na akong umupo do'n eh. Dito muna 'ko ha!” sagot nito.
Nagkibit balikat lamang si Ryden at gayon nalang ang gulat ko nang magtama ang tingin namin. Did he saw me?
***
“Ayezza, ”
Lalabas na sana ako sa classroom nang biglang hilain ni Ryden ang palapulsuhan ko. Pumait ang lalamunan ko at naalala ang nangyari kahapon. Pinilit kong hatakin pabalik ang braso ko pero hindi ako kasing-lakas niya.
“Ano ba!” Pabagsak kong hinatak ang braso ko pero wala pa rin.
“Mag-usap naman tayo, oh.”
Parang may kung anong tumusok sa dibdib ko nang marinig ko ang nagmamakaawa niyang boses.
Ilang segundo akong napatigil hanggang sa nahila ko na ang braso ko. Tumakbo ako palabas dahil ayaw ko na siyang makita. Akala ko ay hahabulin niya ako gaya ng inaasahan ko kahapon pero wala.
Naging ganoon ang takbo ng bawat araw namin. Nandoon pa rin ang poot at pagkadismaya ko sa kaniya. Pero patagal ng patagal ay mas lalo niya akong hinahabol. Nasasaktan ako sa ganito pero hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin at gagawin.
BINABASA MO ANG
The Living Fictions
RomanceLove's When Series #1 An Acosta daughter, Ayezza Nathalie Acosta, is a plain timid girl from a wealthy household. She has everything she desires and may ask her parents for anything she want. Her life may be described as almost ideal by anyone. She...