Chapter 19

47 8 0
                                    

Chapter Nineteen

"Bakit? may boyfriend ka ba? Naging cold na ba kayo sa isa't-isa? Baka mamaya niyan biglang may sumugod sa'kin dito kasi yakap-yakap kita?" bigla niyang tanong na kinailing ko bigla.

"Huh? hindi 'no!"

"Defensive pa 'to! Hindi kayo magtatagal niyan kung isesekreto niyo. Sumbong kita sa Daddy mo e."

"Tsk! Excuse me! Wala nga di'ba?! Nagtatanong lang ako kasi curious ako! Bahala ka na nga, kanina pa ako naiinis sa'yo e, alis na'ko salamat nalang sa pagsagot."

Inis akong naglakad palabas ng library at naglalakad sa hallway. Pinunasan ko na rin ang luha ko at buti nalang at tumigil na ito sa pagdaloy. Kung iniisip kong hindi niya ako sinundan, nagkakamali ako. Nararamdaman ko ang presensya niya sa likuran ko.

"Hoy! ito naman napaka-pikunin mo!"

Hindi ko pa rin siya nilingon pero pasaway na puso, parang nanlalambot. Wow, wala pang kami pero ramdam ko na rumurupok na'ko. My goodness!

"Ayezza, sorry na! Promise, 'di na'ko mang-iinis!"

Rinig na rinig ko ang sigaw niya dito habang naglalakad ako sa gilid ng field. Bahala siya riyan, hindi ko talaga siya lilingunin.

Muntik na akong madapa sa damuhan ng maramdaman kong may maramdamang mabigat na dumagan sa akin

"Akala mo ikaw na mabilis maglakad? Maaabutan pa rin kita!"

"Argh! Ryden bumitaw ka nga! Papatayin mo naman yata ako e!"

Malapit na talaga akong malagutan ng hininga kasi ang higpit ng yakap niya sa leeg ko! Oo problemado nga ako pero ayoko pang magbigti!

"Oh, sorry!" He chuckled. Napaka-rare niyang tumawa kaya hindi ko alam kung anong nakain niya ngayong tumatawa siya. Pero kahit ang pogi niya tingnan na tumatawa, I still managed to hide my smile. Huwag ngayon, Aye!

Mas lalong nag-init ang aking pisnge.

"Tara cafeteria, I'm hungry."

Hinatak niya ako at wala na akong nagawa kaya nagpatianod nalang ako. Nagutom din naman ako eh kaya sige.

"Ikaw na umorder, magc-CR lang ako." Tumayo ako ng maramdaman kong naiihi ako.

"Ilolock ka ulit doon."

Pinagtagpuan ko ulit siya ng kilay. Tingnan mo nga 'to! Magso-sorry nga pero mang-iinis pa rin naman.

“Joke lang, sige na. Hihintayin nalang kita roon.” As he said those, he messed the top of my head. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti.

Wala masyadong estudyante sa CR kaya pagdating roon, dumiretso ako sa cubicle. Naalala ko na dito pa mismo ako na-lock no'ng nakaraan. Sana naman h'wag maulit di'ba?

Tapos na ako kaya lumabas na akong cubicle. Tinignan ko ang reflection ko sa salamin at thankfully, hindi na namumugto ang mata ko. Gosh, hindi na ulit ako iiyak kapag papasok ako. Pwede akong umiyak kapag Friday night na para walang worries kinabukasan.

Lalabas na sana ako ng CR nang bigla akong makarinig ng paghagulgol sa isa sa mga cubicle. As in, umiiyak talaga. Ilang minuto akong nanatili roon para makiramdam hanggang sa kumalabog ang pinto n'on. Bigla akong nakuryuso.

Bumukas iyon at inuluwal si Alice! Medyo nagulat pa siya nang makita akong nakatitig sa gawi niya. Pati ako ay nagulat rin. Pero hindi niya pinansin ang presensya ko at naglakad na siya palabas. Ano naman kayang nangyari sa kaniya?

Ilang minuto akong nanatili roon bago napagdesisyunan na lumabas na. Naalala ko na may naghihintay pala sa akin sa cafeteria, si Ryden.

"Sorry, natagalan." Umupo ako sa tapat niya. Nandito kami ngayon sa usual spot namin na table. He ordered a burger at apple juice. Pareho kami.

The Living FictionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon