Chapter Twelve
"... You just need a lot of rest, Miss Acosta and also, you need to avoid drinking cold drinks. Maybe, mamayang pagkatapos ng lunch break you can go back to your class na."
Iyon lang ang bilin ng school nurse sa akin at nagpaalam na itong lumabas.
Lumapit sa akin si Ryden at umupo sa tabi ng aking hinihigaan. Hindi ko alam kung dapat bang may sabihin ako, hindi ko din alam kung paano ko ba siya pasasalamatan kasi I was so scared lately. Call me overreacting pero grabeng takot ko kanina. Even though posibleng may papasok na ibang estudyante roon at matutulungan ko but thanks to Ryden. I will start to stop thinking the worst of him now. Sana titigil na siya sa pagyayabang niya para hindi na ulit titibok ang ugat ko sa ulo dahil sa kaniya.
"Uh, thanks nga pala kanina. I was just so scared that's why," seryoso kong pasalamat.
"Hmm, you should be careful next time."
I sighed. Inayos ko ang sarili ko sa pagkahiga para hindi niya masyadong mahalata na kanina ko pa tinititigan ang face features niya. Damn, ilang araw na kaming magkatabi pero ngayon pa lang ako naka-a-appreciate sa itsura niya. I mean, he was indeed attractive the first time I saw him pero iba kasi ang realization ko ngayon. It was like I was being awake for a long nightmare for the first time. Grabe, gwapo rin talaga siya, 'no?
"Sinabi mo kanina, alam mo kung sino ang nag-lock sa'kin doon?" I ask him out of my curiosity, diba? may sinabi siyang ganon? di ko na masyadong maalala.
"Yeah? Iyong babaeng papansin."
"Sino?"
"Alam mo na iyon."
Tsk. There he goes again.
"Huh? pinagsasabi mo? Paano ko malalaman kung di mo naman sasabihin ang mismong pangalan?" Napairap ako sa irita. Kahit kailan nakakairita talaga siya eh.
"Sino ba ang kilala mong papansin? Imposibleng wala, Ayezza."
Napaisip ako. Sinong papansin ba? Ang alam ko lang naman ay si Arin. Palagi niya akong pinipilit para maki-agree ako sa mga pinagsasabi niya kahit hindi naman ako maka-relate. Pero imposibleng siya ang nag-lock sa akin doon. Bakit naman? Pero teka, sino pa bang papansin na kilala ko? Nag-isip ako ng nag-isip. Ang laking logic naman nito! Ayaw pang sabihin ng lalaking 'to!
"Si Alice?" I shyly answered. Pumasok lang iyon sa isip ko out of nowhere! Nakakakonsensya naman ang pamamaratang ko!
"Oo, grabe ang tagal mong makasagot." Napailing pa siya na para bang napaka-slow ko na ngayon.
My world stop. Oo nga pala! Sila Alice ang huling pumasok sa CR! Bakit di ko agad naisip iyon?
"What? Pero bakit naman nila iyon gagawin sa'kin? wala naman akong ginawang masama!"
"Wala nga pero naiinggit sila sa'yo eh."
"Bakit naman?"
"Aside sa magka-seatmate tayo, ikaw lang ang palagi kong nakakausap dito, except kay ate Dara."
Napakunot ang noo ko sa mga sinabi niya. Nang dahil lang sa kaniya? My gosh! ang babaw naman. Diko tuloy alam kung maniniwala ba ako sa mga sinabi niya.
"Nang dahil sa'yo? Luh ang kapal.” Umirap ako sa kaniya.
Bumuntong-hininga siya.
"Matulog ka nalang. Bibili lang ako ng pagkain sa cafeteria."
Walang ano-ano ay sinunod ko nalang siya. Kaya nga, mas mabuting matulog nalang ako kesa makikinig sa mga mahangin niyang salita. Buti hindi pa ako nalipad.
BINABASA MO ANG
The Living Fictions
RomanceLove's When Series #1 An Acosta daughter, Ayezza Nathalie Acosta, is a plain timid girl from a wealthy household. She has everything she desires and may ask her parents for anything she want. Her life may be described as almost ideal by anyone. She...