Chapter 30

77 6 0
                                    

Chapter Thirty

And then I held the letter and realized all of their stories makes sense to me... now. Infront of the letter, there are also words written...

“Sulat para sa kay Yzrael.”

Hindi ko maiwasang magkunot-noo. I stopped for a while to look for an air to breath. So it was indeed true that Mommy and Ryden's Dad knows each other. There was no bluff after all. Now that I confirmed things, parang sumasakit na ang ulo ko kakaisip.

I have to read this now so I'll find the information that I've been looking for. So I sighed and and held the letter firmly.

Dear Yzrael,

Una sa lahat, humihingi ako ng patawad sa lahat ng aking mga nagawa sa iyo. Alam kong hindi madali at alam kong hindi mo rin inaasahang ganito ang mangyayari sa atin sa huli. Sana'y hindi mo kakalimutan na minsan din kitang minahal. Simula highschool palang tayo ay doon ko lang napagtanto na may malalim na pagtingin ako sa'yo. Ngunit ayaw kong masira ang ating pagkakaibigan kaya nama'y inilihim ko na lamang ito.  Ngunit nang tayo'y nag-college, napagtanto ko na dapat hindi ko tinatago at inililihim ang mga ganitong bagay. Natatakot akong mawala ka't mabaling sa ibang babae ang atensyon mo kaya hindi na ako nagdalawang-isip pa nung araw na iyon at umamin na sa aking tunay na nararamdaman.

Maraming salamat dahil pinagbigyan mo ang pagmamahal ko. Na sinuklian mo rin ang pag-ibig ko sa'yo. Walang maitutumbas ang kasiyahan ko nung araw na nalaman kong iniibig mo rin pala ako. Sa ating pagsasama, masaya ako. Ngunit nang mag-second semester, may isang lalaki ang bumihag sa aking mata at alam kong mali—hindi iyon ikaw. It was Chester

Ilang beses kong pinipigilan ang sarili ko na h'wag makaramdam ng kahit anong espesyal sa lalaking iyon. Ngunit sa bawat araw na nagdaan, talagang nagbago at unti-unting nabubura ang pagmamahal ko sa'yo. Siguro'y parte na rin siguro ng mga rason ko ang palagiang pag-aaway natin dahil halos wala na tayong panahon para sa isa't-isa.

Naiintindihan ko naman kung bakit nagalit ka sa araw na umamin akong may ibang lalaki na akong napupusuan. Kaya matatanggap ko kung hindi mo ako mapapatawad dahil alam kong hindi mo rin inaasahan ang lahat ng ito. Hindi ko mapigilang mahulog sa kaniya lalo na't kami na naman ang palaging magkasama. Patawad, Yzrael.

Kahit masakit, alam kong kailangan kong aminin ang totoo. Patawad sa lahat ng taon na itinapon ko ng ganoon lang. Akala ko'y ikaw na ang para sa akin ngunit sa tingin ko'y nagkamali ako. Patawad at iiwan kita. Nitong nakaraan ay sinagot ko na si Chester. Sana ay balang araw ay tuluyan na ring mabura ang lahat ng pagmamahal mo sa'kin at maghilom ang iyong mga sugat. Alam kong pagkatapos nito'y wala na ang dati nating pinagsamahan. Hindi na ulit tayo maging magkakaibigan muli. Basta ang hiling ko'y sana kapag tama na ang panahon para sa'yo, mahahanap mo ang tunay na pag-ibig na nakalaan sa'yo. Nararapat at kahit ilang taon pa ang magdaan, ito'y mananatili at matatag. Patawad at hinding-hindi iyon magiging ako.

Sana mabasa mo itong sulat ko para sa'yo, Yzrael. Patawad at sa lahat ng tao, ako pa ang makakapagdulot sa'yo ng sakit. Higit kong pinagpapasalamat na dumating ka sa buhay ko. Kahit anong mangyayari, hindi ko kakalimutan na minsan rin tayong nagmahalan. Salamat sa lahat. Patawad at paalam.

Nagmamahal,
Harriete

I folded the letter back and put it back to it's place. Napatakip ako sa aking bibig nang matapos kong basahin ang lahat ng mga salita sa liham na iyon. If it's supposedly for Tito Yzrael, then why is that letter still here? Naibigay kaya iyan ni Mommy? Something in my mind tells me no. Dahil hanggang ngayon ay halatang wala pang closure sa kanila.

The Living FictionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon