Chapter Three
Arin really keeps on telling stories and about her delusions about that Ryden Saldivar. I guess newbie siya dito pero how would know? Malaking siyudad ang Metro Manila and it would be funny if susubukan kong kabisaduhin isa-isa ang mga tao rito sa parehong paraan na ginagawa ko ang mga characters ng bawat librong binabasa ko. Si Ash na nakatayo sa tabi niya ay paulit-ulit na nagmamakaawa kay Arin na itigil na ang pagsasalita tungkol sa kanya habang nag papakita ng pagkabagot at bakas ng inis.
Nang matapos na namin ang huling kagat ng pancake na ginawa ni Ash, napagpasyahan naming maglakad-lakad sa labas ng village at bumisita or most likely na window shopping sa mall na pagmamay-ari ng pamilya namin. Pareho silang nakahawak sa braso ko. Kung hindi ako nailagay sa pagitan nila, hindi ko kakayanin na marinig silang magtalo muli, so it has to be for the best.
"Hindi ko talaga maintindihan kung bakit gusto ng mga babae ang isang lalaki na bago sa kanilang paningin." Napangiwi si Ashton.
“Para lang iyong new adventure,” sabi ni Arin habang naghagis ng chip sabay salo sa kanyang bibig.
"Talaga? Though I think there are still other girls out here who don't have opinions like yours. Hindi naman na ako newbie dito but still, they keep on falling in love with me.” Ngumisi siya.
“Dahil isa kang malaking asshole na nagpapanggap na greenflag kapag nakikipag-date ka sa isang babae but then red flag na kaagad kapag tapos mo nang makipag-break. Sa totoo lang, Ash, those girls have bad taste.”
“As if naman greenflag iyong sa'yo.”
“He's actually is.” Nagtaas ng kilay si Arin.
“As if hindi ko alam ang mga kumakalat na rumors sa kaniya sa Luther? Malaking school iyon Arianna, pero halos lahat ng chismis roon ay nasasagap ko.” In response, Arin throws a middle finger at him that I immediately caught.
“Don't.”
Para akong wallflower dito sa pagitan nila. Sa totoo lang, gusto kong pumunta sa bookstore, and even though I only have a few bucks in my wallet, seeing books that obviously I couldn't afford at the moment won't make me less happy. Wala namang pinagkaiba iyon. As long as you see bookshelves or tables that have a lot of books being displayed. Note, books that entertain. Not books that cause stress.
“Ashton, anong ginagawa mo rito?”
Natahimik kaming lahat nang may lumapit sa amin na babaeng blonde na naka-silky skirt. Cellphone at manipis na wallet lang ang dala niya. Medyo matangkad siya at maganda ang body portion. Hindi na ako dapat magtataka kung kilala siya ni Ash. She's definitely his type.
“H-Hi, Sophie.”
“Akala ko ba nasa out of town ka? I never expected na makikita kita dito kasama ang dalawang flings diyan sa tabi mo? I can't believe you, Ash.”
“Fling? Kadiri!” bulong ni Arin sa tabi ko at nagkibit-balikat lang ako. “Walang batas na nagsasabing hindi ka pwedeng magkaroon ng dalawang ka-fling nang sabay, miss huwag kang mag-alala.”
Bumuka ang bibig ko sa gulat. What the hell, Arin?! “N-No, No we're not his flings—”
“What a dumb martyr.” Sophie grimaced and looked at me from head to toe. Siguro hindi niya inaasahan na ang hottest guy sa kaniyang mata na katulad ng isang Ashton Acosta ay maglalakas-loob na lumabas kasama ang isang tulad ko. What an absurd idea. Since high-waisted baggy pants lang ang suot ko at fitted long sleeves. I'm not his type. Gusto niya ang mga babae na nagsusuot ng mga damit na exposing.
“Of course, hindi sila fling, Sophie.”
Tinaasan siya nito ng kilay. "Talaga? Paano ako maniniwala sayo kung diyan ka palaging magaling. We broke up just last week and you're here, strolling at this mall, and didn't even remember how you told me that you'd be out of town for the rest of the summer vacation but now you're here, perfectly fine!”
BINABASA MO ANG
The Living Fictions
RomansaLove's When Series #1 An Acosta daughter, Ayezza Nathalie Acosta, is a plain timid girl from a wealthy household. She has everything she desires and may ask her parents for anything she want. Her life may be described as almost ideal by anyone. She...