Epilogue
Ryden Caleb Saldivar
"Psst, hoy sino yan?"
Agad kong tinago ang cellphone ko nang lapitan ako ni Reid. Tsk sagabal na naman mga 'to.
“Wala, nang-i-stalk lang.”
Mabuti nalang at hindi na siya nanggulo pa at umalis na. Kaya nagpapatuloy ako sa pag-stalk sa account nitong babaeng 'to.
'Ayezza Acosta'
Iyon ang pangalan niya sa facebook account niya. Siyempre hindi lang naman coincidence na nakarating ako dito sa profile niya, I know her surname. Sa pagkakaalam ko, yun ang apilyedo nung first love daw kuno nung tatay ko. Nacurious lang naman ako. Palagi ba naman iyang topic nila? Palagi ko kasing naririnig ang mga magulang ko na nagtatalo dahil sa apilyedong iyan.
I stalked her profile at masasabi kong she has the face. Almond shaped eyes, and heart shaped lips. Almost perfect kamo. Ilang araw kong binibisita ang account niya without her knowing. I didn't even have the urge to press the 'Add Friend' button. Ewan ko basta't naduduwag ako. Buong bakasyon ay iyon ang ginawa ko. Abang-abang sa mga posts niya. I wonder, does she even have a boyfriend already? Wala naman akong nakikita o napapansin na ganoon dito.
"Doon ka nalang sa Luther mag-senior highschool."
That's what my father want me to do. Well, malapit naman iyon sa isa pa naming bahay sa subdivision kaya walang problema. At isa pa, magtuturo daw sa Luther si Ate Dara.
Nagkibit balikat lamang ako. Edi go.
Luther International School. That was the place where my father and her ex best friend met. Iyong Acosta daw. I don't know what happened at anong naging dahilan nang pagkasira ng pagkakaibigan nila. Wala na ako doon. Ika nga nila, past is past.
Pumayag ako roon. Isa sa mga reasons ko ay nagbabaka-sakaling baka makita ko doon iyong si Ayezza. Malapit lang kasi iyon sa mall na pagmamay-ari ng mga Acosta kaya malaki ang kutob ko roon. Hays, bakit ko nga ba siya iniisip eh hindi naman ako kilala non.
"Alis lang ako, Pa!" pagpapaalam ko. Tumango naman siya.
Isa sa pinakapaborito kong jacket itong black jacket na hoodie ko. Wala lang, lakas yata makapogi nitong jacket na'to kahit nagmumukha akong si kamatayan.
Hindi naman ako ignorante para hindi makilala ang isa sa pinakamayaman na apilyedo dito sa lugar na'to. Ang mga Acosta. Sa pagkakaalam ko ay nagmamay-ari sila ng mga malalaking kompanya at negosyo. They even own a really huge mansion. Almost perfect na yata si Ayezza. Wala eh, mayaman.
Halos inaraw-araw ko ang pagpunta sa mall na pinagmamay-arian ng pamilya niya. Sinusubukan ko lang ang pagkakataon na baka makita ko siya. However, I always never got the chance. Pero ayokong tumigil. Hanggang isang araw, naglalakad-lakad lamang ako sa loob ng mall nang mapadpad ako sa bookstore. Wala naman akong masyadong interes sa pagbabasa pero kasi, sa tingin ko'y nakita ko siya kanina. She was with a girl who keeps on talking and Ayezza keeps on listening. Kinabahan tuloy ako. Iyong mga mata niya kasi ay parang mata ng isang malditang babae.
Ilang minuto akong nagkukunware na naghahanap ng libro doon sa tabi-tabi habang palihim na sinusulyapan ang maganda niyang mukha. Maldita na parang maamo. Iyan ang unang tingin ko sa kaniya. Pero wala akong pake kung masungit siya. Ini-imagine ko palang na ako ang susungitan niya, parang ang cute.
Dumaan ang ilang minuto ay halos magpasalamat ako sa buong mundo nang umalis iyong kasama niyang babae at naiwan siyang mag-isa. Siyempre, didiskarte ako para mapansin niya ako. Kaya naman, sinundan ko siya doon sa section na wala masyadong tao. Ganoon pa rin ang ginagawa ko. Nagkukunware na may pinipili
kahit wala naman akong alam kahit ni-isang libro doon.
BINABASA MO ANG
The Living Fictions
RomanceLove's When Series #1 An Acosta daughter, Ayezza Nathalie Acosta, is a plain timid girl from a wealthy household. She has everything she desires and may ask her parents for anything she want. Her life may be described as almost ideal by anyone. She...