23

57 4 0
                                    

DARK CHOCOLATE


"I want you to stop pretending. I want to be the first person you'll run to when life gets tough. I want to be the first one to know everything you felt every day." He leaned closer to me. "Can you do that?"

I pushed him and stood up as I catch my breath. Tatakbo na sana ako pabalik sa loob nang hawakan niya ang kamay ko at maingat akong hinila pabalik sa pag-upo.

"We're not yet done talking."

"I don't need to hear the 'long story' you said anymore." I looked away.

"Okay, then..." he trailed off. "But you still have to do what I told you earlier.

Gulat akong napabaling ng tingin sa kanya. "There's no deal anymore so why would I still do that, huh?"

He swallowed hard and looked up to the sky again. He didn't speak after that. We both stayed quiet, hearing only the crickets. 

"Jullianna," bigla siyang nagsalita. "That time when you're crying earlier... is it because of what I've said to you in your house?"

Agad akong umiling. "Hindi. Nanuod lang kami ni Fe ng anime. Tapos namatay 'yung bidang babae kaya ang lungkot." Ngumuso ako.

"I'm sorry for what I've said earlier."

"Ayos lang," tinakpan ko ang bibig ko at ngumiwi para humikab.

"Inaantok ka na ba?" Tumango lang ako sa kanya at ipinatong ang noo ko sa mesa. "Pumasok ka na. Magbihis ka bago matulog. Basa 'yang damit mo."

"Natuyo na naman." Ibinalik ko na sa kanya ang towel niya. "Salamat."

"Goodnight, Stubborn."

Nakatulog agad ako nang makapasok sa guess room.  Kinabukasan pagkatapos naming mag-agahan ay dumiretso na kami ni Fe sa livingroom. Naroon na ang dalawang ukulele niya. Ibinigay niya sa akin ang isa para raw may libangan ako.

"Se, dito ka lang. Hihintayin ko lang si Ate Marcia sa labas. Malapit na raw siya, e'."

"Sasama na lang ako sa'yo."

"Hindi na. Dito ka lang." Napansin ko ang kabado niyang pagsulyap sa may gilid kaya napatingin ako roon. Naroon si Vico, bagong ligo at nakatingin sa banda namin. Hmm, baka may boys din kaya parang kabado si Fe? Protective pala 'tong isang 'to?

Ilang minuto pa lang nang makalabas si Fe ay sumunod rin si Vico sa kanya. Hindi ko mapigilang mapangisi habang iniisip kung gaano siya ka-protective. Napaisip tuloy ako kung kumusta na si Fe at 'yong Vuanterde na crush niya. Wala na akong balita, e'.

May kakapasok lang na kasambahay galing sa labas. Binati niya ako ng magandang umaga at binati ko rin siya. Tinanong ko siya kung nasa labas na ba ang bisita ni Fe at ang sagot niya ay 'oo'. Sabi niya nag-uusap pa raw kasama si Vico.

Bigla akong kinabahan. Ayos lang kaya si Fe? Baka pagalitan 'yon ng Kuya niya? Humugot ako ng malalim na hininga at lumabas. Ngunit malayo pa man ako ay natanaw ko na ang kausap ni Vico sa labas ng gate. Nakasuot ito ng puting t-shirt na masikip kaya halatang-halata ang magandang hubog ng katawan nito. Sa lower naman ay denim na shorts.

Bigla silang lumingon sa bahay kaya nakita nila ako. Agad akong napatakip sa bibig nang makilala kung sino ang lalaking kausap ni Vico.

"Start na tayo?"

Kakapasok lang namin kasama ang sinasabi ni Fe na si Ate Marcia. Naiwan pa si Vico sa labas kaya kami lang ang nandito. Umupo ako at wala sa isip na tinaggap ang ukulele na iniabot ni Fe sa akin.

CRIPPLED: JULLIANNA (VUILLTRAEN SISTERS SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon