44

51 3 0
                                    

LOVE


"How could you say you love him when you haven't said 'I love you' to him? How could you, huh?"


"How... did you know?" Gulat akong nakatingin sa kaniya.


Tama siya. Hindi ko pa kailanman nasabihan si Viscount na mahal ko siya. Siya lang ang palaging nagsasabi ng mahal niya 'ko. Pero kailangan ko pa bang sabihin sa kaniya... kung sa pamamamgitan ng mga kilos ko, halatang mahal ko siya?


"Siya mismo ang nagsabi sa akin."


It's like I got deaf by her answer. I looked at her blankly.


"Pero... kahit ganoon... sabi niya wala siyang pakialam kasi ikaw..." hikbi niya. "...mahal na mahal ka niya. Tangina ka!" Napaupo siya sa sahig habang umiiyak.


Bakit... Bakit pakiramdam ko mas kilala niya si Viscount kaysa sa 'kin? Bakit ngayon ko lang natantong ang dami-dami ko palang pagkukulang? Higit sa lahat... Bakit si Maeve pa?


"Seah? Maeve? Ano'ng nangyari?!"


Napalingon ako sa may hagdanan nang makarinig ng pamilyar na boses doon. Nagulat ako nang makitang nakatayo si Lola roon. Bakit nandito si Lola? Pinunasan ko ang mga luha ko bago siya nilapitan. Nagmamadaali siyang bumaba ng hagdanan. Magmamano sana ako pero nilampasan niya lang ako pagkatapos hilain ang kamay niya palayo sa akin.


"Maeve, are you okay? What happened? Why are you sitting on the floor?" she asked Maeve worriedly.


"Lola, Seah pushed me on the floor," she cried.


"Lola, hindi po-"


"Bakit ano'ng nangyari?" Bakas sa mukha ni Lola ang galit nang sinulyapan ako habang pinapatayo si Maeve.


"Galit na galit po siya sa akin, La. Ayaw niya raw na nandito ako sa kanila... Ayaw niya raw na makita ako rito..."


"Lola," tawag ko kay Lola para makuha ang atensyon niya. "Hindi po-"


"Seah, akala ko ba ayos lang sa 'yo na rito muna si Maeve?" Tumaas ang boses ni Lola sa akin.


"Sinabi niya rin po na kahit kailan hindi siya natuwa na naging pinsan niya ako. Hinding-hindi niya raw po ako matatanggap." Pagkatapos niyang sabihin 'yon, niyakap siya ni Lola at pinatahan sa balikat niya. "At kaya po ako napaupo sa sahig ay dahil itinulak niya ako. Galit na galit siya sa akin dahil kinausap ako ng boyfriend niya."


Hindi na malinaw ang paningin ko dahil sa luhang nagbabadya sa mga mata ko. Hindi na rin ako makapagsalita sa takot na baka mabasag ang boses ko't hindi na naman pakinggan ni Lola. Nakatingin lang ako sa kanila habang niyayakap siya ni Lola.


Pinasadahan ko pa ng tingin ang paligid, umaasang baka may magiging kakampi rin ako roon. Umaasang baka naroon ang Ate at Papa para yakapin din ako. Nang hindi ko na napigilan pa ang luha ko, saka pa lang ako nagsalita.


"Aakyat na po ako, Lola," pagpapaalam ko.


Kung alam ko lang na ganitong pangyayari pala ang madadatnan ko pag-uwi ko, hindi na sana ako umuwi pa. Kung alam ko lang na ganoon ang plano ni Maeve, hindi ko na sana siya kinausap pa. Kung alam ko lang na wala naman palang saysay ang pag-aadjust ko para sa kaniya, hindi ko na lang sana pinilit ang sarili kong gawin ang mga bagay para sa kaniya kahit na hindi ko naman gusto.


I swallowed the lump rising behind my throat. I even took a deep breath and cleared my throat just for Viscount not to notice that I am crying. I swipe the green button and tried to sound casual.


CRIPPLED: JULLIANNA (VUILLTRAEN SISTERS SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon