MOM
Kakatapos ko lang maligo ngayon pagkatapos kong magising. Kagabi nang makauwi ako ay nasa itaas na si Ate, nagpapahinga. Kaya hindi ko pa siya nakakausap. Naisipan ko na lang din na sabayan siya sa pag-aagahan ngayon. Para makapag-usap kami. Hihintayin ko siyang magising. I already text Klaus and greeted him good morning. He hasn't replied yet. Maybe he's still asleep.
Nagulat ako nang may nakitang paper bag sa ilalim ng study table ko. I suddenly felt excited nang maisip ko na baka ito 'yong regalo sa'kin ng nakabunot ng pangalan ko. Maingat ko 'yong hinila sa ilalim. The paper bag was cutely printed with Santa Klaus's animated pictures which made me open it carefully. Trying hard not to tear or make damage on it. Mahilig kasi akong magtago ng mga paper bags na maganda ang designs.
It was a brown designer belt. Mas lalo pa tuloy akong natuwa nang makita 'yon. Isa lang kasi ang belt ko at ilang taon ko na ding nagagamit kaya ganito na lang ako ka saya. May note pa 'yon sa loob.
This will suit your OOTD every day!
Mwah!
Binuksan ko ang pintuan ng kuwarto ni Ate. Mahimbing pa siyang natutulog. Bumaba na lang ako para uminom ng tubig. Mamayang alas dose na ang New Year. Maghahanda naman kami pero hindi ganoon ka rami. Kami lang naman dalawa ni Ate mamaya, e', kung hindi uuwi si Papa. At kung wala ang mga kasambahay na nakakasama namin sa araw-araw baka mas lalo ko lang ma-miss si Mama.
Abala lang ang mga kasambahay sa paglilinis nang makababa ako. Mamaya pa sigurong tanghalian sila magsisimula sa pagluluto ng mga ihahanda. Bumalik din ako agad sa kuwarto pagkatapos kong makainom ng tubig.
Siguro mga isang oras din ang lumipas bago nagising si Ate. Kakagaling niya lang ng banyo nang pinuntahan ko ulit siya sa kuwarto niya. Kaya sabay na kaming bumaba patungo sa hapag-kainan namin.
"Aalis tayo ngayon?" Tanong niya habang kumakain kami.
"Bakit?"
"Bibili ng regalo. Baka umuwi si Papa mamaya."
"Sige,"
I wore my floral print lace-up open-back crop top and paired it with my high waisted denim shorts. I put on the designer belt I got earlier and admired how it suits my outfit today as I looked myself in the mirror. Nakalugay lang ang buhok ko. I slipped on my white canvas shoes before knocking on Ate's door.
Lumabas din siya pagkatapos marinig ang katok ko. She's just wearing her white cami top with her navy blue polka dot belted paper bag waist short and white slide sandals. Her usual outfit.
"Your belt looks expensive, huh?" She teased me and smirks.
"Guess what? This is what I got during our Christmas party." I chuckled.
Naghiwalay kami sa loob ng mall since we'll also buy gifts for each other. We won't be surprised anymore kasi if we'll buy together. Inuna ko munang bilhan si Papa ng dress shirts niya. May kamahalan nga pero sa kanya rin naman kasi 'tong mga pera na mayroon ako kaya go na lang. Saulo ko na lahat ng kulay ng mga dress shirts niya sa bahay. Kaya ang mga kulay na nabili ko ay sigurado akong wala pa siyang ganoon.
Palabas na ako ng store. Kakatapos ko lang magbayad ng ibinili para kay Papa nang makita may makitang pamilyar. Nakasuot siya ng itim na spaghetti top tucked in sa denim jeans niya. May kasama siyang lalaki. Mas matangkad sa kanya. Natigilan ako at siniguro kung si Saffie ba talaga 'yon. Nakatalikod kasi siya sa akin kaya buhok niya lang ang tila pamilyar sa akin na parang siya nga. Nang lingunin niya ang lalaki dahil mukhang nag-uusap sila ay doon ko nakumpirma na siya nga.
BINABASA MO ANG
CRIPPLED: JULLIANNA (VUILLTRAEN SISTERS SERIES #1)
Teen FictionVUILLTRAEN SISTERS SERIES #1 Kreanaseah Jullianna Vuilltraen, the younger sister of Yllenea Grace Vuiltraen, fell in love at a very young age. Everyone that surrounds her says that 'it won't last since it's just a puppy love'. But for Seah, it is no...