LIE
“What are your plans for your debut?”
I continued encoding on my laptop for our group report. I always heard that from my classmates and even to Ate. I don’t have plans for my debut. Dinner with dad would be enough. I just shook my head.
“It’s still the month of March, Kaye,” I told her before I gulp on my hydroflask. “And I don’t have plans for it.”
“Ay? Bakit wala? Dapat meron!” Malungkot na sabi ni Alexa habang naka-Indian seat sa sahig.
“Oo nga! Gusto mo magpa-party sa club? Kilala ni Daddy ‘yong owner ng club sa-“
I shook my head which made her stop. “I have never been to clubs… and I don’t have plans to try.”
Last page na lang ‘yon kaya binilisan ko ang pag-i-encode. Nang matapos na ‘ko ay tumayo na ako para magpaalam sa kanilang matutulog na ako. Actually hindi pa ako matutulog. Gusto ko lang talagang iwasan ang ganoong topic dahil wala naman akong maisasagot dahil wala akong plano.
Pumunta ako sa backyard ng bahay nina Kaye. Rito kasi kami ngayon nag-sleepover para sa thesis namin. Last thesis namin kina Manuel, e’, nag presenta si Kaye ng bahay nila kaya rito na lang. Tulog na ‘yong boys na kagrupo namin. Kaming girls ang mag-i-encode at sila naman ‘yong mag-checheck ng mga error para fair.
“Oy, Seah, tapos na kayo?” Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang may nagsalita sa backyard. Napahawak pa ako sa dibdib habang gulat na nakatingin kina Manuel.
“Oo. Gising pa pala kayo? Akala ko tulog na kayo.”
“Kung gano’n, tawagin mo sina Kaye para magkuwentuhan tayo rito.” Sabi ni Carl.
Napabuntong-hininga na lang ako at tumango. Bossy talaga si Carl. Siya ‘yong classroom president namin kaya na sanay na ‘ko sa pagiging bossy niya. Pagbalik ko sa kuwarto ni Kaye, abala pa sila sa pagliligpit ng gamit.
“Makikipagkuwentuhan daw si Carl sa baba.” Sabi ko sa kanila.
“Gising pa pala sila?” Tanong ni Trisha sa’kin.
“Oo,” sagot ko sa kanya.
Bumaba nga kami gaya ng sabi ni Carl at nagkuwentuhan. Itetext ko sana si Viscount nang makita ko ang oras na quarter to eleven na ng gabi. Hindi ko na lang itinuloy dahil baka tulog na siya. Nag-open na lang ako ng Twitter ko at nag-scroll-scroll muna roon. Nang makakita ako ng cookies ‘n cream na ice cream, renitweet ko agad. Nag-craving tuloy ako!
“Gusto ko kasi mag-engineer kaya nag-STEM ako.” Pagkukwento ni Manuel sa amin.
“Bakit gusto mo mag-engineer?” Tanong ni Trisha sa kanya.
“Gusto ni Daddy, e’! Kaya ginusto ko na lang din.”
Napatitig ako kay Manuel ng ilang saglit. Hindi lang pala ako ang ginusto lang ang isang kurso dahil gusto ng magulang nila para sa kanila. Napatingin ako sa baba habang nag-iisip. Hindi ko lang basta-basta dapat gustuhin ang pagiging doktor. Kailangan ko rin itong mahalin dahil buhay ng tao ang nakataya rito.
BINABASA MO ANG
CRIPPLED: JULLIANNA (VUILLTRAEN SISTERS SERIES #1)
Teen FictionVUILLTRAEN SISTERS SERIES #1 Kreanaseah Jullianna Vuilltraen, the younger sister of Yllenea Grace Vuiltraen, fell in love at a very young age. Everyone that surrounds her says that 'it won't last since it's just a puppy love'. But for Seah, it is no...