ARTHRITIS
"Huh? Anong masakit sa'yo?"
Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at nag-aalala siyang tinignan nang diretso sa kanyang mga mata. Mula sa liwanag ng buwan ay nakita ko itong kumikislap sa sakit at pait. Napaawang ang labi niya at agad na umiwas nang tingin. Umatras siya na tila ba napaso sa hawak ko.
"'Yung... yung tuhod ko ang masakit. May arthritis na k-kasi ako." He stuttered.
"Sigurado ka ba? Why are you stuttering?"
"Umuwi na tayo." Mahina niyang sabi. Napakunot ang noo ko sa biglaang pagbago ng mga kilos niya. Tumayo siya at inilahad ang kamay niya sa akin para tulungan ako sa pagtayo. Hindi ko na lang inisip 'yon. Ipinatong ko ang kamay ko sa kamay niya at tinulungan niya nga akong makatayo.
"Ayos ka lang ba?" May pag-aalinlangan kong tanong.
"Ayos lang naman." Mahina niyang sagot. "Uwi na tayo, Jul. Lumalalim na ang gabi."
Pagbaba namin, kinuha niya ang naiwang blanket at maayos na ipinatong sa magkabilang balikat ko. Naglakad na kami papunta sa front seat. Tahimik niyang inabot ang door handle at binuksan 'yon. Pumasok na lang din ako nang walang sinasabi.
Nag-ayos agad ako ng seatbelt. Pagkatapos ay hinihintay siyang makapasok. Tinanggal ko sa wrist ko ang hair tie ko at pinaglaruan habang hinihintay siyang makapasok. Siguro mga isang minuto na ang lumipas na hinintay ko siyang pumasok, pero hindi siya pumasok.
Kinabahan ako kaya binaba ko ang bintana at sumilip sa harap, wala siya do'n. Sinubukan kong tignan ang likuran at nakita siyang nakahilig sa doon. Napahilamos siya sa mga kamay niya at umiling. Kumunot ang noo ko nang makita siyang para pinunasan ang mga mata niya.
Umiiyak ba siya?
Kinalas ko ang seatbelt ko at bubuksan sana ang pintuan para puntahan siya. Pero bago ko pa man tuluyang maabot ang door handle para buksan, narinig ko na ang pagsarado ng pintuan sa driver's seat. Si Vico pala. Pinaandar niya na ang kotse.
"Hihinaan ko ba 'yong AC? Giniginaw ka ba?"Nagulat ako sa biglaan niyang pagsalita kaya hindi agad ako nakasagot. Nakatingin lang ako sa kanya, hinihintay siyang lumingon para makita ko ang mga mata niya. Gusto kong makumpirma na umiyak nga siya.
"Jul, hihinaan ko-" natigil siya sa pagsasalita nang mapalingon sa akin. Nanlaki ang mga mata niya at agad na umiwas nang tingin. He pushed his hair backward.
Kakatapos ko lang magbihis pagkatapos kong maligo. I already blow-dried my hair so it's now dry, I can sleep now. I lied in my bed and tried to close my eyes. Kanina inaantok ako sa daan pauwi, ngayong 'andito na 'ko sa kama nawala na 'yong antok.
I rolled on the other side of my bed, trying to find a part of it where I can fell asleep. Siguro mga isang oras ko rin 'yong ginawa nang paulit-ulit. Tumayo ako at tinignan ang orasan. Midnight na pala!
Pumikit ako nang mariin. Umiling ako at inayos ang comforter dahil nagusot at nagulo ang kama ko sa sobrang galaw ko kanina. Humiga na ako ulit sa kama at ipinikit na ang mga mata.
"Ugh! 'Di ko kaya!" Bumangon ako at tinalian ang buhok ko. Umupo ako sa swivel chair ko. I turned on my PC and waited for its system to be done starting. I bit my lower lip, scowling at my sudden worry. "Google," I clicked the Google skeptically.
BINABASA MO ANG
CRIPPLED: JULLIANNA (VUILLTRAEN SISTERS SERIES #1)
Teen FictionVUILLTRAEN SISTERS SERIES #1 Kreanaseah Jullianna Vuilltraen, the younger sister of Yllenea Grace Vuiltraen, fell in love at a very young age. Everyone that surrounds her says that 'it won't last since it's just a puppy love'. But for Seah, it is no...