BIRTHDAY
My eyes dilated after feeling my chest pounding wildly. I moved backward and I looked away, breaking the eye-contact we had. I gasped and slowly rose my right hand then placed it on my chest. I pulled my bottom lip between my teeth wondering why I felt this all of the sudden. I tried to calm myself but when I glance at him and caught him looking at me, the wild pounding of my chest doubled.
"Matutulog... na 'ko."
Madrama akong humikab. Tumayo ako at hindi na hinitay ang sagot niya. Nagmamadali akong pumaok sa loob ng bahay at dumiretso sa kuwarto ko. Napasandal ako sa pituan ng kuwarto ko. Hinawakan ko ang dibdib kong maging ngayon ay malakas at mabilis pa rin ang tibok. Pumikit ako nang mariin. Wala 'to, Se. Nabigla ka lang siguro sa sinabi niya. Tama! Nabigla lang ako sa sinabi niya at dahil sa gulat ko lang 'yong kaba na bigla kong naramdaman!
Pumasok na ako sa loob ng banyo ko at sinet ang heater ng shower bago nag-toothbrush. Nakakabawas kasi ng pagod ang hot shower. Naisip ko rin kasi na baka pagod lang ako kaya ganoon ang naging reaksyon ko. Mahirap mang paniwalaan dahil natulog lang naman ako buong araw. Napatitig ako sa sarili ko sa salami pagkatapos kong magmumog. Suminghap ako at humawak sa gilid ng sink.
"Hindi ko alam na gan'to pala... Nakakatakot na maghilom ang sugat na iniwan mo." Bulong ko habang nakatitig sa sarili ko sa salamin. "Dahil sa oras na maghilom ang sugat na naiwan mo... wala ka nang mababalikan pa."
Humiga ako sa kama ko at bnuksan ang phone ko. Marami akong natanggap na mga notification galing sa iba't-ibang social media app na noong nakaraang buwan ko lang nagawan ng bagong account ko. Hindi na iyon bago sa akin. Pero hindi ko kasi binubuksan ang mga iyon dahil may takot pa rin akong nararamdaman. Kaya imbes na tignan ang mga iyon ay mas pinili ko na lang na huwag buksan at matulog na lang.
Maaga akong nagising kinabukasan. Naligo ako bago bumaba. Tutulungan ko na lang ang mga kasambahay sa pagluto ng agahan. Wala rin naman akong gagawin, e'. Nang makababa ako ay agad kong napansin ang pagiging abala ng mga kasambahay. May nagva-vacuum na sa living room, maingay na ang kusina, at may naglilinis na ng swimming pool. Dumiretso ako sa kitchen at binati sila.
"Good morning po-" natigil ako sa pagsasalita nang makita ang kasama ng mga kasambahay sa kusina. Nakasuot siya ng apron at kakalagay lang nilutong sunny side up na itglog sa platong nasa ibabaw ng kitchen island. Nilingon niya ako at nginitian. Agad naman umiwas ng tingin.
"Good morning, Miss Se," bati ng mga kasambahay sa akin. "Sayang naunahan ka na nitong si Engineer sa paghanda ng agahan." Tumawa sila.
Gulat namang napatingin sa akin si Vico, siguro ay hindi alam na tumutulong ako sa paghahanda ng agahan minsan. Binigyan ko na lang siya ng assuring smile at mabilis na binawi ang tingin ko.
"Ayos lang po..." aalis na lang siguro ako, babalik sa kuwarto. Pero... "...gagawa na lang po ako ng smoothie."
"Ano pong prutas ang gagamitin niyo? Ako na po ang kukuha." Pagvo-volunteer ni Manang Wela.
Sinabi ko sa kanya na kung ano lang ang mayroong prutas para hindi siya mamroblema sa wala. Mabuti na lang at may watermelon, strawberry, at banana.
"Ang tagal mo nang hindi gumagawa ng smoothie, Miss Se. Hmm... kailan ba 'yong huling gawa mo?" Pag-iisip niya. "Ah, 'yung unang beses kong makita 'yung poging binata. Bagay na bagay po kayong dalawa!"
I laughed awkwardly. She's peretaining to Klaus. Yeah... that was the last time I made a smoothie. But my laugh faded when I remembered how that day went. I pulled my bottom lip between my teeth as my conscience crept inside of me. Jesus! I was so mean to... Vico that day. Napahiling tuloy ako na mawala muna saglit at babalik lang mamaya dahil sa naghahalong konsensya at hiya na nararamdaman ko. Pero agad din namang nakabawi nang maalalang...
BINABASA MO ANG
CRIPPLED: JULLIANNA (VUILLTRAEN SISTERS SERIES #1)
Teen FictionVUILLTRAEN SISTERS SERIES #1 Kreanaseah Jullianna Vuilltraen, the younger sister of Yllenea Grace Vuiltraen, fell in love at a very young age. Everyone that surrounds her says that 'it won't last since it's just a puppy love'. But for Seah, it is no...