43

46 3 0
                                    

PLEASE


"What happened to your wrist?"


Napatingin ako roon. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang makitang napaso ako roon. Kailan lang 'to? Napakurap ako nang maalalang napaso nga pala ako no'ng ipinagluto ko si Maeve ng paborito niya, 'yong beefsteak.


"Baka... Baka dumi lang 'to." Itinago ko sa likuran ko ang palapulsuhan ko.


Scowling he asks me, "Is everything okay here?"


I nodded. "Of course. By the way, hindi ka pala busy ngayon?"


Nanatili ang panliliit ng mga mata niya, tila ba sinusuri ako kung nagsasabi ba ako ng totoo. Umiwas ako ng tingin at inabala ang sarili sa pagliligpit nga mga papel ko sa study table.


"I'm still busy... I just drop by to check if you're really okay. We didn't see each other for almost a month now. What do you expect me to do?"


Napapikit ako nang mahalata sa boses niya ang sakit nang sinabi 'yon. Humigpit ang hawak ko sa papel. Huli na nang mapansin ko 'yon kaya nagusot. Tumikhim ako at nilingon siya.


"I already told you the reason why," I said coldly.


His adam's apple moved slowly. He looked away, licking his lips. His eyes were already bloodshot when he brings them back on me. Damn, I hurt him!


"And is that reason enough? Are you guys really that busy that you can't give me some-"


I cut him off. "Yes."


He looked at me painfully. "Alright. What was your reason again?"


Tumalikod ako at inabal ulit ang sarili sa may study table. "Sinabi ko na sayong hindi kami close ni Ate sa kaniya. Nagbago lang 'yon nang malaman namin ang rason..." I trailed off, skeptical if should I really tell him the truth or not.


"And the reason's what?"


"Nahihiya lang siya." Nilingon ko siya. "Viscount, malayo siya sa mga magulang niya kaya kung maaari, ayaw naming iparamdam sa kaniya ang kalungkutan... kaya hindi namin siya maiwan-iwan ni Ate."


Bumuntong-hininga siya. Tumayo siya at nilapitan ako. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko. Pinisil niya 'yon ng kaunti bago ako binigyan ng malungkot na ngiti.


"I'm sorry, baby," he said huskily. "This won't happen again." He then wrapped his arms around me.


Niyakap ko siya pabalik, kasabay ng pagtakas ng luha ko. Marahan niyang hinaplos ang likod ko, habang ako naman ay pinapaalis ang mga luha ko. Huminga ako nang malalim bago kumalas.


Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. "Uuwi na 'ko. Kumain ka mamaya, ha?"


Sumikip ang dibdib ko sa sinabi niya. "Hindi ka ba rito maghahapunan?"


Lumiwanag ang mukha niya. "Do you want me to?"


I nodded. "Ipapakilala rin kita sa pinsan ko."


Ipapakilala lang naman, 'di ba? 'Yon lang naman ang gusto ni Maeve, hindi ba? Simple lang naman 'yon... pero bakit parang labag sa loob kong gawin 'yon?


"Maeve," tawag ko. Kinatok ko ng tatlong beses ang pintuan niya. "Kakain na."


Kung ito lang 'yong paraan para hindi siya mas lalong lumayo sa amin ni Ate, gagawin ko. Hinawakan ko ang kamay ni Viscount nang makababa na si Maeve. Nasa dining room na kami ngayon para sa hapunan. Kaming tatalo lang dahil wala si Ate. Si Papa naman ay hindi umuwi.


CRIPPLED: JULLIANNA (VUILLTRAEN SISTERS SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon