Chapter 3

7 3 0
                                    

Nagising ako dahil sa sunod sunod na pag yugyog sa akin ni Gail.

"Sapphire, malalate na tayo. Gising na."

"5 minutes more.." sabi ko ng pa ungol.

"Late na tato ng 10 minutes Sapphire!"

"Umalis kana, susunod ako." Mataray kong sabi.

"Bahala kang malate." Sabi nya at tumakbo nang palabas ng room.

Ako naman ay nag inat inat na at pumunta sa banyo. Tinatamad talaga akong pumasok eh.

Pagkasuot ko ng jeans at ng t-shirt ko ay lumabas na ako. Yes, walang umiform dito. Ang galing diba ma papasanaol nalang yung ibang kailangan pang gumastos para sa uniform.

Sa halip na bilisan ko ang lakad ko, mas lalo kong binaglan. Kasi naman, ang first subject namin pampaantok, math kasi, mga tungkol sa accounting, engineering, archi. at marami pang iba. Tsk, pwede kayang mag drop ng course dito?
Kasi kung pwede i d-drop ko na agad yun.

Dumiretso na agad ako sa sunod kong klase, now, its cooking class. Shet naman o, pinupuro ako, una math ngayon cooking? Parehas hindi ako magaling dun eh. Ang alam ko lang lutuin scrambled egg at giniling.

Pagkapasok ko, nagulat ako ng may tao na agad dun. Its Felip.

Hindi ko na sya pinansin at pumwesto na sa isa sa mga working area dun.

After 30 minutes nagsidatingan na din ang mga kaklase namin.

"Sapphire." Nakita ko agad si Gail na kumakaway habang nag lalakad papunta sa direksyon ko.

"Bakit hindi kana pumasok sa first subject natin? Sayang, math pa naman."

Na pairap ako. "Gail, duh, I hate math."

"Sus, ang sarap kaya ng math."

I rolled my eyes. "Wow ha!"

"Oo ha. Kasi ang meaning nun is meryenda, almusal tanghalian,  hapunan o diba ang sarap."

"Ewan ko sayo."

"Sapphire."

"Ano!" Sabi ko ng pasigaw.

"Partner tayo." Sabi nya habang nag p-puppy eyes.

"Hindi ba si prof. ang pipili nyan?"

"Oo, pero gusto parin kitang maging partner."

I rolled my eyes. "Hayaan mong si prof ang mag decide

Saktong kakatapos ko lang mag ayos ng pumasok si Prof. na may dalang isang bowl nang papel? Ano to, papipiliin kami?

"Good morning class. So today ilan tayo? Uhm 20 yan sakto. So, I'll group you into two."

Lahat ay parang nagulat sa sinabi nya bukod sa akin, kay Mark, Felip at Gail.

"Okay so since 10 girls 10 boys tayo, girls nalang pa bubunutin ko. Mag start tayo in alphabetical order..."

Ang galing pangalwa ako.

Pumunta na agad ako dun sa unahan at bumunot ng papel. Gail looks she's really hoping na mabunot ko sya.

Pagkabunot ko, pumunta ako sa isang tabi at tiningnan ko kung sino.

'Mark Christian Hugh'

Punyeta naman oh. Sa dinami dami namin dito, sya pa talaga? Punyeta.

Ng makabunot ng lahat nakita kong malungkot si Gail. Nakapartner nya naman si Felip ah, bakit sya malungkot? Sana all nga mala Felip ang ka parnter, silent lang.

Learning How to Love In Hugh UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon