Chapter 4

7 3 11
                                    

"Tangina ano yung nagawa ko kanina?" Sabi ko habang sumisigaw. "Bakit ko sya hinayaang sumandal sa likod ko?! Tangina"

Eto namang si Gail tawa lang nang tawa dito na parang wala lang nangyayari.

"Hay nako Sapphire. Kung ako yun nag tatalonna ako sa saya."

"At bakit naman?" Sabi ko ng may mataray na tono.

"Duh Hugh yun ghurl, alam mo, lahat nga siguro ng nakakakita sa inyo ng mag kasama, nag seselos eh."

"Alam mo, tangina ka rin minsan."

Sabi ko at tumawa nanaman sya.

"Hay Sapphire, wag ka na ngang choosy dyan."

"Choosy?! Saang parte ha, saang parte?!"

"Nasa harap mo na ayaw mo pang tingnan, ayaw mo pang kunin."

"Ano?!"

"Sabi ko ang ganda mo pero ang slow mo punyeta."

"Tangina." Sabi ko at humiga na.

"Alam mo Sapphire. Pustahan pa tayo, may gusto yang si Mark sayo."

I rolled my eyes. Ako naman ang mangloloko dito.

"Alam mo, pustahan din tayo, may gusto ka dun sa Felip na yun diba?"

"Ay tangina. Wala! Punyeta ka."

"Tanggi pa."

"Wala talaga."

"Hrmpppp. Ewan ko sayo."

Tapos ay tumahimik na kami.

"Sapphire.."

"Bakit?!"

"Bakit ka nandito?"

"Kasi na expelled nga ako--"

"No, mas malalim na rason. Ano yun?"

"Mas malalim na rason?"

"Ha?"

"Alam mo Sapphire, hindi ka naman talaga ganon ka bitch eh, hindi ka rin ka tarayan, sakto lang, mabait ka nga rin eh, pero bakit ka nandito."

"Ano bang pinagsasasabi mo?"

"Ako may dahilan ako kung bakit ako nandito."

"Ano yun?"

"Masyado akong spoiled. Lahat ng gusto ko, gusto ko, nakukuha ko. Pero nung pumunta ako dito, nagbago lahat."

"So ibig mong sabihin nandito ako dahil may rason?"

"Oo."

"That is bullshit. Nandito siguro ako dahil wala akong galang." Sabi ko at nagtalukbong na ako ng kumot.

I heard her sighed. "Lets sleep, masyadong mabigat ang gagawin natin bukas." Sabi nya at narinig ko rin syang humiga.

The real reason. Aba malay ko, proproblemahin ko pa yun.

Nagising ako ng 5 ng umaga. Himala na nagising ako ng maaga.

Naligo na ako at nag bihis tapos ay nag meditate din ako.

After almost half an hour, nagising narin si Gail.

"Rise and shine sleepy head." Sabi ko sa kanya habang niyuyugyog pa..

"10 minutes more.."

"Tangina, nagpalugit ka pa talaga ng 5 minutes ah. Malalate kana."

"Ano malalate nako?! Anong paki ko."

Learning How to Love In Hugh UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon